Banal na Misa sa kapistahan ng Sto. Niño, kanselado

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,272 total reads

Nagkasundo ang pamunuan ng Sto. Niño Parish sa Pandacan, Manila na ipagpaliban ang pampublikong Banal na Misa sa pagdiriwang ng kapistahan ng Sto. Nino sa January 16.

Sa pabatid na inilabas ng simbahan, ito ay busod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa lalo na sa National Capital Region.

“Ipinagbibigay alam po namin sa lahat ng mga parokyano, deboto at mananampalataya ng Santo Niño ng Pandacan na sa kapistahan sa Enero 16, 2022 ang ating simbahan ay SARADO sa pampublikong pagdiriwang ng Banal na Misa,” bahagi ng pahayag ng simbahan.

Humiling ng pang-unawa ang simbahan sa naging hakbang subalit iginiit na ito ay para sa kabutihan at kaligtasan ng nakararami lalo sa sitwasyon ng pamayanan sa kasalukuyan.

“Ang hakbang po na ito ay para sa ating mga kalusugan at maiwasan ang hawaan sa panganib na dala ng COVID-19 dahil sa maaring pagdagsa ng maraming deboto,” dagdag pahayag.

Kaugnay dito, nauna nang nagdeklarang sarado sa publiko ang Archdiocesan Shrine of Santo Niño sa Tondo Manila sa araw ng kapistahan dahil sa kaparehong dahilan ang pagbibigay prayoridad sa kalusugan ng mga deboto.

Gayundin ang Basilica Minore del Santo Nino de Cebu na nagdeklarang walang pampublikong pagdiriwang ng Banal na Misa sa araw ng kapistahan.

“Due to the ongoing threat of COVID-19, our celebration of the Fiesta Señor 2022 is ONLY ONLINE. There are NO PHYSICAL CELEBRATION OF MASSES,” pabatid ng Basilica sa mga publiko.

Ngayong taon ipinagdiriwang ng Sto. Niño sa Cebu ang ika – 457 kapistahan kung saan mas pinanalalawak at pinaigting ang online presence ng Basilica para mas maabot ang mga deboto hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

Tanyag sa buong daigdig ang debosyon ng Santo Niño sa Cebu na isa sa pinakamalaking pista ng bansa na dinadayo ng mga turista ang Sinulog Festival.

Kapwa hinimok ng mga dambana ng Sto. Niño ang mga deboto na pansamantalang subaybayan sa online livestreaming ang mga Banal na Misa sa araw ng kapistahan kasabay ang panalangin na muling makababalik sa normal na pagdiriwang ng debosyon sa mga susunod na taon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 13,873 total reads

 13,873 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 112,849 total reads

 112,849 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 157,119 total reads

 157,119 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 180,230 total reads

 180,230 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 254,566 total reads

 254,566 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top