OFWs sa Middle East, gugunitain ang kapistahan ng Poong Hesus Nazareno

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 615 total reads

Hilingin sa Poong Hesus Nazareno ang kaligtasan at pagwawakas ng pandemya.

Ito ang mensahe ni Filipino Franciscan Capuchin Fr. Troy De Los Santos, Vicar General ng Apostolic Vicariate of Southern Arabia o AVOSA hinggil sa pagdiriwang ng kapistahan ng Nuestro Padre Jesus Nazareno sa January 9.

Binigyang-diin ni Fr. De Los Santos ang kahalagahan ng taimtim na pananalangin na matapos na ang karanasan ng pandemya upang mabigyang kapanatagan ng mga Filipino sa Middle East.

“Taimtim na panalangin na may pananampalataya sa Mahal na Poong Hesus Nazareno para sa katapusan ng pandemyang naranasan sa UAE gayundin sa Pilipinas at sa buong mundo; ipagkaloob nawa ng Panginoon ang aming mga kahilingan upang ang bawat mananampalataya ay magkaroon ng kapanatagan at maibsan ang pag-alala sa mga mahal sa buhay na naiwan sa Pilipinas,” pahayag ni Fr. De Los Santos sa Radio Veritas.

Ayon naman kay Katolikong Pinoy sa Abu Dhabi, Social Media Director Rommel Pangilinan, hindi mapipigilan ng anumang banta ang pagdiriwang ng pista ng Poong Hesus Nazareno subalit iginiit ang pag-iingat at pagsunod sa safety health protocol.

“Tuloy ang Traslacion sa kabila ng pandemyang naranasan subalit ibayong pag-iingat; hindi kailangang maging magarbo o engrande ang pagdiriwang importante ang malalim na pananampalataya sa Diyos,” pahayag ni Pangilinan sa Radio Veritas.

Isang Banal na Misa ang gaganapin sa January 9, alas-dose ng tanghali sa St. Joseph Cathedral sa Abu Dhabi na dadaluhan ng limitadong bilang ng mananampalataya dahil na rin sa banta ng mga bagong variant ng COVID-19 sa UAE.

“Walang grand procession; isang pagpupugay at taimtim na pananalangin sa Poong Hesus Nazareno na lamang ang aming gagawin,” dagdag pa ni Fr. De Los Santos.

Patuloy na hinikayat ng AVOSA ang mga Kamanlalakbay na Katoliko sa Abu Dhabi, Musaffah, Ruwais at Al Ain ang pananalangin at paghingi ng awa sa Poong Hesus Nazareno na iligtas ang bawat isa sa salot na dulot ng virus.

Apela din nito sa mananampalataya na hindi makapagparehistro ay maaring makiisa sa pagdiriwang sa pamamagitan ng online livestreaming sa official Facebook page at YouTube channel na Katolikong Pinoy sa Abu Dhabi.

Ngayong taon kanselado sa ikalawang pagkakataon ang Traslacion ng Nuestro Padre Jesus Nazareno at sa kauna-unahang pagkakataon ay ipinagbabawal din ang pampublikong Banal na Misa dahil sa nagpapatuloy na pagtaas ng kaso ng mga nahawaan ng COVID-19 sa Pilipinas lalo na sa National Capital Region.

Gayunpaman iginiit ni Fr. Douglas Badong, Parochial Vicar ng Basilica na buhay ang diwa ng Traslacion sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas at maging sa ibayong dagat tulad ng isasagawang pista sa United Arab Emirates.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 249,489 total reads

 249,489 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 281,202 total reads

 281,202 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 383,028 total reads

 383,028 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 423,589 total reads

 423,589 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 433,630 total reads

 433,630 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top