Muling pagbubukasc ng TVI coal power plant, kinondena ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 574 total reads

Mariing kinondena ni San Carlos, Negros Occidental Bishop Gerardo Alminaza ang muling pagbubukas ng operasyon ng Thermal Visayas, Inc. (TVI) Coal Power Plant sa Toledo City, Cebu.

Ayon kay Bishop Alminaza, hindi naaangkop sa kasalukuyang sitwasyon ng lalawigan ng Cebu ang pagbubukas ng nasabing planta dahil nasa proseso pa rin ito ng pagbangon mula sa pananalasa ng Bagyong Odette noong Disyembre nang nakaraang taon.

Makadaragdag lamang ito sa pagdurusa ng mga residente dahil ang planta ay magdudulot ng masama at mapanganib na epekto sa kalikasan at kalusugan ng mga komunidad na malapit dito.

“This calls for public outcry and collective action! This is another example of putting profit first before planet and people,” pahayag ni Bishop Alminaza.

Sa anunsyo ng Philippine Movement for Climate Justice, sinabi nito na ang coal power plant ay lubhang napinsala ng Bagyong Odette, ngunit patuloy pa rin ang operasyon at naglalabas ng maitim na usok at abo sa buong lungsod na nagdudulot naman ng pagkahilo at hindi magandang amoy para sa mga residente.

Kaugnay nito, nagsagawa ng kilos-protesta ang grupong Limpyong Hangin Para sa Tanan (LAHAT) upang ipanawagan ang muling pagsasara ng planta upang hindi na magdulot ng panganib sa kapaligiran at kalusugan.

Panawagan naman ni Bishop Alminaza sa lokal na pamahalaan ng Toledo City na kumilos at tuparin ang mandato na panatilihin ang kaligtasan ng mga residente.

Gayundin ang pagsasagawa ng masusing imbestigasyon para hindi na ito tuluyan pang makapaminsala sa lungsod maging sa buong lalawigan ng Cebu.

“We call on Toledo’s local government unit to exercise its mandate to secure the safety of its residents and to further investigate this,” saad ni Bishop Alminaza.

Una nang iminungkahi ni Pope Francis sa kanyang Laudato Si ang pagpapalawak ng paggamit sa renewable energy upang maibsan ang kakulangan sa kuryente, at mapalitan ang mga fossil fuels na nagdudulot ng pagkasira sa kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 4,181 total reads

 4,181 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 35,456 total reads

 35,456 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 115,211 total reads

 115,211 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 209,437 total reads

 209,437 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 269,809 total reads

 269,809 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 71,222 total reads

 71,222 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top