Massive siltation sa Mapagba River, kinondena

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 609 total views

Kinundena ng isang paring Heswita mula sa Ateneo de Davao University (AdDU) ang nangyaring massive siltation sa Mapagba River sa Barangay Maputi, Banaybanay, Davao Oriental.

Ayon kay Fr. Ernald Andal, SJ, assistant to the Academic Vice President ng AdDU ,sanhi ng ilegal na pagmimina mula sa kabundukan ng Davao Oriental ang nangyaring siltation kung saan nagkulay kahel o orange ang ilog.

Inihayag ng Pari na suliranin ngayon ng mga residente ng Barangay Maputi ang insidente na nakaapekto na rin sa kanilang pamumuhay.

“What was previously a clear river used for bathing, laundry, fishing, and as sources of aquatic resources is now a murky pond of silt, devoid of any marine life,” ayon kay Fr. Andal mula sa kanyang facebook post.

Nananawagan naman sa mga kinauukulan si Fr. Andal na agad na magsagawa ng pagsusuri upang malaman ang posibilidad ng pagkakaroon ng mapanganib na kemikal sa ilog para matiyak ang kaligtasan at kalusugan ng komunidad.

Giit ng pari na dapat patawan ng karampatang parusa ang mining company na responsable sa nangyaring malawakang siltation na nakaapekto na rin sa karagatan.

“The mining company responsible for this must be penalized and be issued a cease and desist order for having deprived the lowland communities of their source of life,” saad ni Fr. Andal.

Hinihimok din ni Fr. Andal ang Administrasyong Duterte na muling ipawalang-bisa ang mga panuntunan at batas na nagpapahintulot sa muling pagsasagawa ng pagmimina sa bansa na unti-unting sumisira sa inang kalikasan at humahadlang sa karapatan ng susunod pang henerasyon.

“The Philippine government must rethink its pivot to mining by revoking [Executive Order] 130, Series of 2021, canceling [Department of Environment and Natural Resources Administrative Order] 2021-40, and repealing [Republic Act] 7942. We owe this to the future generation,” ayon sa pari.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 58,209 total views

 58,209 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 58,209 total views

 58,209 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 58,209 total views

 58,209 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 56,422 total views

 56,422 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 51,529 total views

 51,529 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top