Diocese of Mati, umaapela sa pamahalaan sa malawakang mining siltation sa Mapagba at Pintatagan River

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,027 total reads

Umapela sa pamahalaan si Diocese of Mati Bishop Abel Apigo hinggil sa mining operations na naging sanhi ng malawakang siltation sa Mapagba at Pintatagan River sa Banaybanay, Davao Oriental.

Ayon kay Bishop Apigo, nawa’y pakinggan na ng pamahalaan ang matagal nang panawagang itigil ang pagsasagawa ng pagmimina sa lalawigan na sa halip na makatulong ay lalo lamang nag-iiwan ng matinding pinsala sa kalikasan at pamumuhay ng mga apektadong komunidad.

“‘Yung pag-lift sa mining moratorium ang nag-encourage na bumalik ang Riverbend Consolidated Mining Corporation (RCMC) para magpatuloy sa pagmimina dito sa Davao Oriental,” pahayag ni Bishop Apigo sa Radio Veritas.

Sinabi ni Bishop Apigo na noong nakaraang taon ay nagpasa na rin ng petisyon and Diyosesis upang mapigilan ang pagmimina sa lalawigan ngunit hindi pa rin ito binibigyang-pansin ng mga kinauukulan.

“Makapal ‘yung petition namin last year. Dinala namin kay President Rodrigo Duterte, kay Environment Secretary Roy Cimatu, then kay Honorable Cynthia Villar, kasi siya ang chairwoman ng Senate on Environment and Natural Resources, at tsaka sa Congress, kay Honorable Elpidio Barsaga Jr. Very painful kasi hindi nila pinapakinggan ‘yung problema at panawagan namin dito sa ground,” saad ng Obispo.

Binigyang-diin naman ng Obispo na hindi mananatiling tugon ang pagmimina sa pag-unlad ng lalawigan at ng bansa kung ang resulta naman nito ay pagkasira ng inang kalikasan at paghihirap ng mga tao.

Giit ni Bishop Apigo na mas makabubuting pagtuunan na lamang ng pansin ng pamahalaan ang pagpapanatili at pagsasaayos sa likas na yaman ng Davao Oriental na tiyak na makakatulong upang mapaunlad ang lokal na turismo ng lalawigan.

Aniya, ang pagpapanatili at pangangalaga din sa kalikasan ang magbibigay ng pagkakataon at karapatan sa mga susunod na henerasyon na matunghayan ang likas nitong kagandahan.

“Davao Oriental is rich and beautiful in terms of natural resources, mga dagat, beaches, and mountainsides. Please let us preserve this beautiful creation of God so the future generations can still enjoy the beauty of Davao Oriental,” ayon kay Bishop Apigo.

Sa kasalukuyan, naglabas na ang DENR-Davao ng cease and desist order at notice of violation para sa RCMC dahil sa pagkakasangkot sa insidente ng siltasyon sa ilog ng Mapagba at Pintatagan.

Magugunita naman nitong Disyembre 2021 nang bawiin ng Administrasyong Duterte ang nationwide ban on open-pit mining na nagbunsod upang muling makapagsagawa ng operasyon ang mga mining companies sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 55,215 total reads

 55,215 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 134,594 total reads

 134,594 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 168,039 total reads

 168,039 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 203,337 total reads

 203,337 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 427,647 total reads

 427,647 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 157,135 total reads

 157,135 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top