Pag-agapay sa mga nasalanta ng bagyong Odette, prayoridad ng Diocese of Surigao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 786 total reads

Prayoridad ng Diocese ng Surigao ang makatulong muna at patuloy na umagapay sa pagbangon ng mga residenteng naapektuhan ng bagyong Odette bago isaalang-alang ang rehabilitasyon o pagpapagawa sa mga nasirang parokya o kapilya.

Ito ang inihayag ni Rev. Fr. Denish Ilogon, Social Action Director ng nasabing Diyosesis sa mga plano para sa pagpapagawa ng mga nasirang Simbahan sa kanilang lalawigan partikular na sa Dinagat Island at Siargao.

Sinabi ni Fr. Ilogon na bagamat marami sa kanilang mga parokya at kapilya ang nawasak ng bagyong Odette ay hindi pa nila napag-iisipan kung paano ito maipapatayong muli lalo na’t nakatuon ang kanilang mga pagkilos sa relief and rehabilitation programs para sa mamamayan.

“Actually marami talagang simbahan na nasira mga chapel na nasira pero sa ngayon tulad ako sira din ang Cathedral ko pero hindi ko po inuna yun Cathedral kasi ang inuuna natin ang mga tao na hirap pa din sila at kapag naulan ang iniisip ko yun mga bahay na walang bubong yun mga bahay na trapal lang ang takip,” ani Fr. Ilogon na siya ring Parish Rector ng San Nicolas de Tolentino Cathedral Parish sa Surigao Del Norte.

Sinabi ng Pari na sa ngayon hindi lamang mga mananampalatayang Katoliko ang kanilang tinutulungan dahil ilang mga residente mula sa iba’t-ibang relihiyon ang kanila na rin napagsilbihan.

“Unang-una ang tinututukan muna namin, ‘yung parishioners namin, ‘yung mga tao, hindi lang Katoliko pati ‘yun mga hindi Katoliko tinutulungan din namin.. ‘yun muna ang pinaglalaan namin ng panahon ngayon kasi lalong-lalo na kapag umuulan nakikita mo yun hirap nila wala sila mataguan, ‘yun mga gamit nila laging nababasa,” pahayag pa ni Fr. Ilogon.

Magugunitang hindi nakaligtas sa pinsala ng bagyong Odette ang mga simbahan at pook-dasalan sa Visayas at Mindanao.

Patuloy naman ang pagbibigay tulong ng Diocese of Surigao at iba pang mga Diyosesis sa bahagi ng relief intervention at sa rehabilitasyon sa mga kabahayan ng mga residente na inaasahang tatagal pa ng ilang buwan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 2,395 total reads

 2,395 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 89,668 total reads

 89,668 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 127,041 total reads

 127,041 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 158,302 total reads

 158,302 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 230,999 total reads

 230,999 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 100,620 total reads

 100,620 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top