Mga opisyal ng simbahan, nagpapasalamat sa humanitarian aid ng European Commission

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 632 total views

Nagpasalamat ang mga lingkod ng Simbahan sa Archdiocese of Cagayan De Oro, Diocese of Maasin at Apostolic Vicariate of Puero Princesa sa igagawad na humanatarian aid ng European Commission (EC) para sa mga nasalanta ng bagyong Odette.

Ayon sa mga mensaheng ipinadala sa Radio Veritas nina Cagayan De Oro Archbishop Jose Cabantan, Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona at Maasin Social Action Center Director Father Harlem Gozo, kasama ng pasasalamat ay ang kagalakan sa tulong ng EC.

Ito ay dahil lubos na matutulungan ng donasyon na aabot sa 21-Milyong Euro ang maraming mamamayan kung saan hahati-hatiin ito para sa mga nasalanta ng Bagyo, mga nakakaranas ng kahirapan sa pag-iral ng sigalot sa bahagi ng Mindanao at Disaster Preparedness ng Pilipinas.

“We are grateful for their solidarity with us. We welcome their support to us for the poor earth and the peace in our communities especially among our Indegneous People communities who are mostly affected with the ongoing arm conflict,” ayon kay Archbishop Cabantan.

Inihayag ni Bishop Mesiona na bukod sa mga nasalanta ng bagyo ay mabibiyayaan din ang mamamayang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

“Malaki ang pinsalang idinulot ng bagyo at mahirapang makabangon ang mga apektadong kumunidad kung walang tulong galing sa labas. Ganun din sa mga na apektuhan dahil sa pandemya,” pagpapabatid ni Bishop Mesiona.

Sinabi naman ni Father Gozo na magiging daan din ng kapayapaan ang humanatarian aid ng EC dahil tutlungan nitong makakain ang mga nagugutom.

“Impact: Magkaroon ng peace and order. Kapag gutom, marami krimen,” ayon sa Pari.

Nagkasundo naman sa kanilang pahayag sina Archbishop Cabantan at Father Gozo kung saan kinakailangan ang pagkakaroon ng “Transparency” ng pamahalaan upang matiyak na hindi mapupunta sa anomalya at korapsyon ang igagawad na humanatarian aid.

Tinukoy ng Arsobispo ang panahon ng pangangampanya sa papalapit na 2022 National and Local Election.

Magugunitang ang Puerto Princesa, Maasin at Cagayan De Oro ay tatlo lamang sa mahigit sampung mga Diyosesis, Arkidiyosesis at Bikaryato na nasalanta ng Bagyong Odette.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 11,898 total views

 11,898 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 136,309 total views

 136,309 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 179,681 total views

 179,681 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 260,286 total views

 260,286 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top