PAG-IBIG fund, nakapagtala ng 63-bilyong pisong savings

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,014 total reads

Ikinagalak ng pamunuan ng Pag-IBIG Fund ang patuloy na tiwala at suporta ng mga miyembro sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga programang inilunsad.

Ito ang pahayag ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary at Pag-IBIG Fund Chairman Eduardo del Rosario matapos maitala ang 63-bilyong pisong savings ng mga kasapi.

Paliwanag ng opisyal patunay na ito na nanatiling matatag ang ahensya sa kabila ng matinding epekto ng pandemya sa ekonomiya at kabuhayan ng mga miyembro.

“This shows their significant trust that Pag-IBIG Fund shall manage their savings prudently. And, with more funds, Pag-IBIG is in a better position to finance its programs to help more members in the coming months, as we continue to contribute to the recovery of the whole nation,” bahagi ng pahayag ni Del Rosario.

Ayon sa Pag-IBIG Fund ito na ang pinakamataas na naitalang savings sa kasaysayan kung saan umaabot sa 32 porsyento ang pagtaas kumpara sa 48.18 bilyong pisong koleksyon noong 2020.

Sa hiwalay na pahayag ni Pag-IBIG Fund CEO Acmad Rizaldy Moti ibinahagi nitong nakatulong din ang Modified Pag-IBIG 2 or MP2 voluntary savings program ng ahensya sa paglago ng total collections lalo’t marami sa mga miyembro ang naglagak ng kanilang ipon sa programa.

Tumaas ng halos 100 porsyento ang nakolekta mula sa MP2 mula sa P13.29-billion noong 2020 umaabot na ito sa P25.95-billion nitong 2021.

Pinasalamatan ni Moti ang Pag-IBIG Fund members sa pakikiisa sa MP program at malugod na ipinabatid na sa lalong madaling panahon ay ianunsyo ng ahensya ang pamamahagi ng divedendo mula sa regular savings at MP@ programs.

“We will make the announcement within the quarter, following the approval from our Board. With our strong performance and robust fiscal standing, I am optimistic that our dividends will still be higher than most instruments available in the market,” ani Moti.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 20,172 total reads

 20,172 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 118,847 total reads

 118,847 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 163,116 total reads

 163,116 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 186,227 total reads

 186,227 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 260,262 total reads

 260,262 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top