Mamamayan, hinimok ng CBCP na makiisa sa 30th World Day of the Sick

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,330 total reads

Hinimok ng CBCP Episcopal Commission on Health Care ang publiko na makiisa sa pagdiriwang ng ika-30 World Day of the Sick ngayong ika-11 ng Pebrero taong 2022.

Ayon kay CBCP Health Care executive Secretary Rev. Fr. Dan Vincent Cancino Jr. M.I, ang Simbahang Katolika ay para sa mga maysakit at mga nagkakalinga sa mga maysakit kaya’t marapat lamang na bigyan itong halaga ng mga Katoliko lalo na sa panahon ng pandemya.

Naniniwala si Fr. Cancino na mahalaga ang pag-ibig na ating ipinapamalas sa mga may karamdaman sapagkat ito ang larawan ng Diyos na nagbibigay ng pag-asa para sa mga dumadaan sa pagsubok ng pagkakasakit.

“This a Catholic awareness day as well as a Catholic day of observant para ipagdasal natin at makibahagi sa mga panaghoy, sa mga paghihirap at pinagdadaanan ng mga kapanalig nating may karamdaman. Tandaan natin na ang Simbahan ay nakikilakbay, meron tayong paglalakbay sa panahon ng pandemya, nakikilakbay tayo sa may karamdaman at nakikilakbay tayo sa mga nangangalaga sa may sakit,” pahayag ni Fr. Cancino sa programang Caritas in Action.

“Dahil habang nakikita natin ang Diyos sa kanila hinihimok tayo na makibahagi sa misyon ng Panginoon para sa may mga karamdaman at sila din kung makita nila ang Diyos sa atin nawa makita nila ang pag-asa,” dagdag pa ng isa sa mga tagapamuno ng Camillian priests sa Pilipinas.

Umaasa si Fr. Cancino na ang diwa ng World Day of the Sick ay maging parte ng ating pang-araw araw na pananampalataya kung saan patuloy tayo makikiisa sa at mananalangin para sa mga may karamdaman at hindi sila tatalikuran ng lipunan.

“Magpakita [tayo] ng malasakit [sa kapwa] dahil ang ating Ama ay may habag at awa para sa ating lahat,” wika pa ng Pari.

Ngayong taong 2022, ang ika-30 World Day of the Sick ay may temang “Be merciful, even as your Father is merciful. – Lk. 6:36” na mismong inihayag ni Pope Francis sa Roma.

Magugunitang isa ang Simbahang Katolika sa nangungunang charitable institution sa buong mundo pagdating sa pangangalaga ng mga may sakit o karamdaman.

Taong 2019 na magsimula ang COVID-19 pandemic sa buong mundo kung saan umabot na sa mahigit 403 milyong katao ang naapektuhan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 3,945 total reads

 3,945 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 42,106 total reads

 42,106 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 268,377 total reads

 268,377 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 161,842 total reads

 161,842 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 255,659 total reads

 255,659 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 110,824 total reads

 110,824 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top