Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ipadama ang kalinga sa mga may sakit —Bishop Mangalinao

SHARE THE TRUTH

 559 total views

Nakagagaling at nakagagaan ang pagkalinga ng mga magkakapatid sa pananampalataya.

Ito ang mensahe ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao, chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education kaugnay sa pagdiriwang ng 2022 World Day of the Sick.

Ayon sa Obispo, ipinapaalala nito ang kahalagahan ng pagiging magkakapatid sa pananampalataya na nakahandang tumugon sa mga higit na nangangailangan lalo na ang mga mayroong karamdaman.

Sinab ni Bishop Mangalinao na ang paglalaan ng isang araw bilang paggunita sa mga maysakit ay magandang pagkakataon upang ipadama ang pagkalinga ng isang pamilyang nakahandang umalalay sa anumang pagsubok ng buhay.

“Sa pag-alala natin sa mga maysakit, ating ipinapaalala na tayo ay iisang pamilyang nag-aalaga sa nangangailangan. Sabi nga, ang sakit ng kalingkingan ay ramdam ng buong katawan,” pahayag ni Bishop Mangalinao sa panayam ng Radio Veritas.

Dagdag pa ng Opisyal na maliban sa pag-aalay ng panalangin para sa espiritwal na kagalingan, sikapin din nawa ng bawat isa na makapagbigay ng tulong at donasyon na maaaring makabawas sa mga gastusin ng mga may karamdaman.

“Maaari po nating ibigay ang mga tulong nang diretso sa humihingi sa atin o kaya ay ibigay sa ating parokya na tumutugon sa pangangailangan ng mga maysakit,” ayon sa Obispo.

Iginiit naman ni Bishop Mangalinao na sa kabila ng iba’t ibang krisis sa lipunan, madali lamang itong malalampasan basta’t sama-samang ipadarama ang pagkalinga, pananalangin at pagmamahal sa isa’t isa, anuman ang pinagdaraanan.

Ipagdiriwang ang 30th World Day of the Sick bukas, February 11, kasabay ng dakilang kapistahan ng Mahal na Birhen ng Lourdes.

Samantala, inihayag ng Kanyang Kabanalan Francisco ang kanyang pananalangin para sa lubos na kagalingan ng mga may karamdaman, maging sa mga tagapangalaga nito upang magkaroon ng lakas na magampanan ang tungkulin ng pagkalinga.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 34,806 total views

 34,806 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 45,936 total views

 45,936 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 71,297 total views

 71,297 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 81,671 total views

 81,671 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 102,522 total views

 102,522 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, pinaghahandaan ang ika-75 anibersaryo

 6,264 total views

 6,264 total views Pinaghahandaan na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo nito sa darating na Oktubre, 2025. Ayon kay LAIKO National President

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top