Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mga Diocese, hinimok ng CBCP na makibahagi sa World Day of the Sick

SHARE THE TRUTH

 288 total views

Inaanyayahan ng Health Care Ministry ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga arkidiyosesis, diyosesis, at mga prelatura sa bansa na makibahagi sa pagdiriwang ng ika-30 taon ng World Day of the Sick.

Ipagdiriwang ito sa February 11 kung saan ang tema ngayong taon ay ang “Be merciful, even as your Father is merciful” na hango sa ebanghelyo ni San Lukas kabanata anim, talata 36.

Sa pastoral letter ng CBCP-Episcopal Commission on Health Care (CBCP-ECHC), sinabi rito na ang ebanghelyo ni San Lukas ay ipinapaliwanag ang kahulugan ng ‘Pastoral Mercy’ at muling pagsasabuhay sa kwento ng mabuting Samaritano na nagpakita ng pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa lalo na sa mga maysakit at nangangailangan.

“…God is the ultimate source of mercy as it centers of care. The 2022 World Day of the Sick is a timely event to promote care as an act of God’s mercy,” pahayag ng CBCP-ECHC.

Nabanggit din sa liham ang ‘pastoral health care’ na isang mahalagang gampanin ng simbahan lalo na ngayong pandemya.

Ipinapaalala nito na ang pagkalinga sa mga maysakit at higit na nangangailangan ay isa sa mga pangunahing itinuro ng Panginoong Hesukristo.

“This is because it animates Jesus’ actions that take us closeness to Him, as we are nearness to the sick and needy,” ayon sa pahayag.

Samantala, hinimok din ng komisyon ang mga parokya at ospital na patuloy lamang na sundin ang minimum public health standards bilang pag-iingat sa hawaan ng COVID-19 habang nagsasagawa ng mga aktibidad at banal na pagdiriwang hinggil sa World Day of the Sick.

Taong 1992 nang itatag ni Saint John Paul II ang paggunita sa World Day of the Sick upang hikayatin ang mga mananampalataya, Catholic health institutions, at lipunan na maging aktibo sa pagkalinga at pag-aalay ng panalangin sa mga may karamdaman maging sa mga tagapag-alaga nito.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GEN Z PROBLEM

 6,371 total views

 6,371 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 24,355 total views

 24,355 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 44,292 total views

 44,292 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 61,485 total views

 61,485 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 74,860 total views

 74,860 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Marian Pulgo

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 16,456 total views

 16,456 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

RELATED ARTICLES

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 41,493 total views

 41,493 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »
Scroll to Top