Pope Francis kaisa ng mga may karamdaman

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 772 total reads

Tiniyak ng Kanyang Kabanalan Francisco ang pakikiisa sa mga may karamdaman.

Ito ang mensahe ng Santo Papa sa pagdiriwang ng 30th World Day of the Sick at kapistahan ng Mahal na Birhen ng Lourdes.

Batid ni Pope Francis na bukod sa kalingang medikal mahalaga rin ang espiritwal na paggabay ng mga mahal sa buhay.

“I would like to remember our dear people who are sick, so that all may be assured of health care and spiritual accompaniment,” mensahe ni Pope Francis.

Tinukoy ng Santo Papa ang halos kalahating bilyon na mga mamamayang nahawaan ng COVID-19 sa buong mundo kung saan patuloy pa rin ang paglaban at paghahanap ng lunas sa pamamagitan ng malawakang pagbabakuna.

Bukod dito dalangin din ni Pope Francis ang kalakasan ng mga nangangalaga sa mga may karamdaman upang makapagbigay ng wastong kalinga at aruga higit sa lahat ang pag-asang gumaling.

“Let us pray for these brothers and sisters of ours, for their families, for health and pastoral workers, and for all those who care for them,” saad ng Santo Papa.

Taong 1992 nang pasimulan ni Saint John Paul II ang World Day of the Sick upang himukin ang mananampalataya, Catholic health institutions at ang lipunan na maging aktibong tagapangalaga sa mga may karamdaman.
Kasabay nito ang panawagang ipanalangin ang lahat ng nakararanas ng iba’t ibang uri ng sakit na kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa mga tahanan at mga pagamutan.

Ilalaan naman ng Radio Veritas 846 ang February 11 para sa ‘Day of Healing and Deliverance’ sa mga misang pangungunahan ng healing priests sa alas dose ng hatinggabi, alas sais ng umaga, alas dose ng tanghali at alas sais ng hapon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 2,710 total reads

 2,710 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 89,936 total reads

 89,936 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 127,309 total reads

 127,309 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 158,570 total reads

 158,570 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 231,252 total reads

 231,252 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top