Palalimin ang pananampalataya sa Panginoon, apela ni Cardinal Advincula sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,121 total reads

Hinimok ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula ang mananampalataya lalo na sa Sinait, Ilocos Sur na palalimin ang ugnayan sa Panginoon.

Ito ang bahagi ng pagninilay ng Cardinal sa pagtatalaga ng Basilica Menor de San Nicolas Tolentino nitong February 16.

Ayon kay Cardinal Advincula, nawa’y magsilbing inspirasyon ang Basilica sa maigting na debosyon at pagiging misyonero ng mamamayan.

“Let this Basilica continue to be a place of solidarity and synodality, where people gather in faith and journey together in mission. We come to this basilica as pilgrims who strive to be close to God and we go forth from this basilica as missionaries who foster dialogue, reconciliation and nearness with others,” ayon kay Cardinal Advincula.

Paalala ng Arsobispo sa mananampalataya sa lugar na kaakibat ng pagiging basilica ang misyong ipalaganap at ibahagi sa komunidad ang diwa ni Kristo.

Binigyang-diin ni Cardinal Advincula na ang pagkatalagang basilica ng simbahan na dambana rin ng Milagrosong Santo Cristo ay isang buhay na saksi ng pananampalatayang lumago 500 taon na ang nakalilipas.

Matatandaang hinirang ni Pope Francis ang San Nicolas Tolentino Church ng Sinait bilang minor basilica noong Abril 2021 kasabay ng pagdiriwang sa ikalimang sentenaryo ng Kristiyanismo sa bansa.

Sa mensahe naman ni Nueva Segovia Archbishop Marlo Peralta, pinasalamatan nito ang mga dumalo sa mahalagang pagtitipon kasabay ang pagtiyak na lahat ng dumudulog sa Basilica ay nakatatanggap ng mga biyaya mula sa Panginoon ayon na rin sa pagbabahagi ng mga deboto ng Santo Cristo.

Sinabi ng Arsobispo na ang bagong basilica ay maging sentro ng pananalangin at kawanggawa lalo na sa mga higit nangangailangan sa lipunan.

“This Basilica will serve as a center of prayer; Second as a center of charity where it will launch programs for the poor so that those who need help can be helped because charity is the fruit of prayer,” ayon kay Archbishop Peralta.

Pinangunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown ang rito ng pagtatalaga habang si Cardinal Advincula naman ang homilist.

Dumalo rin sa pagtitipon si Cotabato Archbishop Emeritus Cardinal Orlando Quevedo at ang Northern Luzon Bishops.

Ito na ang ikatlong basilica ng Ilocos Region habang ika-19 naman sa buong Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THE LOST LESSONS

 54,203 total reads

 54,203 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 104,565 total reads

 104,565 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 236,123 total reads

 236,123 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 321,506 total reads

 321,506 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 382,289 total reads

 382,289 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top