Kahalagahan ng matalinong pagboto sa 2022 polls, binigyang-diin ni Bishop Santos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,362 total reads

Pinaalalahanan ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga Filipino tungkol sa kahalagahan ng matalinong pagboto sa nalalapit na halalan sa Mayo.

Sa ginanap na Catholic E – Forum ng Radio Veritas, binigyang-diin ni Balanga Bishop Ruperto Santos ng CBCP – Episcopal Commission on Pontificio Collegio Filippino na kinabukasan ng bayan ang katumbas ng pagboto sa halalan.

“We only have one vote, and we vote once at ito ay ating karapatan, ito ay ang ating kinabukasan; ang kinabukasan nasa ating palad kaya we have to vote right,” pahayag ni Bishop Santos.

Pinuri ng Opisyal ang mga plataporma na inilahad ni presidential aspirant at Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na naging panauhin sa E-Forum.

Tinukoy ng Obispo ang pagbibigay-pansin ni Domagoso sa pangunahing pangangailangan ng mamamayan tulad ng bahay at hanapbuhay gayundin ang pagpapahalaga sa buhay ng tao.

Batid ni Bishop Santos ang karanasan ng alkalde na humubog sa pagkatao nito subalit iginiit na mahalaga ang pakikipagtulungan sa lahat ng sektor kabilang na ang mga hindi kaalyado upang higit na maisulong ang kabutihang panlahat.

“Sa ating buhay it is always teamwork, it is always collaboration not competition, not contradiction but cooperation; sa teamwork nakagagawa ng marami mabilis at maganda para sa bayan,” ani Bishop Santos.

Umapela rin si Bishop Santos sa mga kumandidato na bigyang-pansin ang mga Overseas Filipino Workers at Seafarers na nagsusumikap sa ibayong dagat para sa pamilya.

Sinabi ng vice chairman ng CBCP migrants’ ministry na dapat pahalagahan ng pamahalaan ang mga OFW lalo’t malaki ang naitutulong nito sa paglago ng ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng remittances.

“Nais ko lang bigyang pansin ang ating mga migrants and seafarers kailangang kailangan natin sila lingapin, gusto lang naming [migrants’ ministry] iparating na let us do for things to them: to protect them; promote their rights and dignity; preserve their culture, custom, identity as Filipino; and prosecute those who made them suffer,” ayon pa kay Bishop Santos.

Si Bishop Santos ang kinatawan ng Simbahan sa ‘Feedback from the Shepherd’ segment ng forum na bahagi ng One Godly Vote campaign ng media arm ng Archdiocese of Manila.

Layunin nitong mas makilala ng mamamayan ang bawat kumandidato sa pinakamataas na posisyon ng bansa na mamumuno sa susunod na anim na taon.

Sa March 2 inaasahan ang paglalahad ni presidential aspirant Vice President Leni Robredo sa kanyang mga plataporma at programa kung sakaling mailuklok sa posisyon.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 5,724 total reads

 5,724 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

Hesukristo, hari ng pagmamahal at pagtanggap

 5,857 total reads

 5,857 total reads Binigyang-diin nina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas at Novaliches Bishop Roberto Gaa ang natatanging paghahari ni Hesukristo na nakaugat sa pagmamahal, malasakit at paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 19,984 total reads

 19,984 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 142,617 total reads

 142,617 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 192,981 total reads

 192,981 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 320,039 total reads

 320,039 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 404,616 total reads

 404,616 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top