Paglalagay ng abo sa noo, tanda ng dakilang pag-ibig ng panginoon-Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,011 total reads

Pinaalalahanan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalataya na ang paglalagay ng abo sa noo ay tanda ng dakilang pag-ibig ng Panginoon.

Paliwanag ng cardinal ito ay pagbibigay pag-asa sa sangkatauhan na handang magbalik-loob sa kabila ng pagkakasadlak sa kasalanan.

“The ashes are imposed by making the sign of the cross to remind us that even if we are sinners, there is hope because we have been redeemed by Christ through his life-giving death on the cross,” pahayag ni Cardinal Advincula sa Radio Veritas.

Ito ang mensahe ng arsobispo sa paggunita ng simbahang katolika sa Miyerkules ng Abo sa March 2 bilang hudyat ng pagsisimula sa 40-araw na paghahanda sa pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ng Panginoon.

Sinabi ni Cardinal Advincula na ito ay paalala sa sangkatauhan na ang kuwaresma ay hinati sa dalawang mahalagang katangian ng pagdiriwang ang ‘penitential at bapstismal’.

Hinikayat ng cardinal ang mananampalataya na mag-ayuno sa 40 araw ng kuwaresma at paigtingin ang pananalangin tanda ng pagbabalik loob sa Diyos.

“The forty days of Lent spent in prayer and penance indicates that a Christian should spend his lifetime in prayer and fasting from evil. There was a time when Lent was period of preparing public penitents for reconciliation. The Lenten season was observed by all the faithful fasting almsgiving, and prayers,” dagdag ng cardinal.

Ibinahagi ng opisyal na ito rin ang panahon ng paghahanda sa’ catechumens’ na ginagamit sa mga sakramento ng simbahan tulad ng binyag.

Sinabi nitong sa sakramento ng binyag nakiisa ang tao sa pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesus kung saan ang pagpapako nito sa krus ay upang protektahan ang tao mula sa kasamaan batay na rin sa pahayag ni San Ambrosio.

“Let the nail of Christ hold you and let not human infirmity pull you back,” ani ng arsobispo.

Paalala ni Cardinal Advincula na ipinapakita sa pagsunog ng mga lumang palaspas na gagamitin sa Ash Wednesday na lahat ng bagay sa mundo ay may hangganan at paalalala ng pagiging makasalanan ng tao kaya’t inaanyayahan ang lahat na talikuran ang kasamaan at magbalik-loob sa Diyos.

“The ashes come from burned old palms reminding us that “all earthly glory fades.” The ashes tell us that we are sinners; that there is evil and darkness in the world because there is evil and darkness in our hearts,” sinabi ni Cardinal Advincula.

Samantala, nakiisa rin ang arsobispo sa panawagan ni Pope Francis na ‘Araw ng Pananalangin at Pag-ayuno’ sa Ash Wednesday bilang pakikiisa at panawagan ng kapayapaan sa Ukraine.

Una nang nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa mananampalataya na ipanalangin ang pagkakasundo ng mga lider ng Russia at Ukraine upang matamo ang pagkakaisa at mapigilang lumala ang tensyon ng dalawang bansa.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 5,725 total reads

 5,725 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

Hesukristo, hari ng pagmamahal at pagtanggap

 5,858 total reads

 5,858 total reads Binigyang-diin nina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas at Novaliches Bishop Roberto Gaa ang natatanging paghahari ni Hesukristo na nakaugat sa pagmamahal, malasakit at paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 19,986 total reads

 19,986 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 142,619 total reads

 142,619 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 192,983 total reads

 192,983 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 320,041 total reads

 320,041 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 404,618 total reads

 404,618 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top