Pananakop ng Russia sa Ukraine, kinondena ng Stella Maris Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 809 total reads

Mariing kinundena ng Stella Maris Philippines ang digmaang dulot ng pananakop ng Russia sa Ukraine.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, Bishop promoter ng grupo na buong pamayanan ang apektado ng digmaan at walang maidudulot na kabutihan sa lipunan.

“There are no victors in war, all are victims. War is cruelty all are lost in war, all suffers. It is scourge to humanity and it is just death and destruction,” pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Radio Veritas.

Apela ni Bishop Santos sa mga lider lalo na sa international community na magtulungang kumilos para mahinto ang sigalot ng Russia at Ukraine at maiwasan ang labis na pinsala lalo na sa ekonomiya hindi lamang sa dalawang bansa kundi ng buong daigdig.

Sinabi ng opisyal na malaking epekto sa kalakalan ng mundo ang tensyon ng dalawang bansa kaya’t labis ang pinsalang maidudulot nito sa ekonomiya.

“War jeopardizes global maritime trade, disrupts global supply chain. Shipping is responsible for the movement of 90% global trade. With the sacrifices and services of seafarer’s food and fuel, medicines and machineries reach their destinations,” ani Bishop Santos.

Sa tala naman International Charter of Shipping nasa 14.5 percent ng global shipping force ay nagmula sa Ukraine at Russia.

Sa datos naman ng Stella Maris Philippines halos kalahating milyong Filipino seafarers ang nangangasiwa sa 60, 000 barko sa buong daigdig.

Binigyang diin ni Bishop Santos na higit kinakailangan ng world maritime trade ang shipping industry upang manatiling buhay ang sektor ng kalakalan.

Dahil dito inaanyayahan ni Bishop Santos ang mamamayan na taimtim ipanalangin at idulog sa Panginoon ang pagpapanibago upang matamo ng Ukraine ang kapayapaan.

“Let us pray without ceasing, begging our almighty God for the change of hearts of those who deeply involved, conversion that all will be open to dialogue, to diplomacy and give peace a chance,” saad ng obispo.

Kaisa rin ang grupo sa panawagan ni Pope Francis na ‘A Day of Prayer and Fasting’ ngayong Ash Wednesday para sa pagtatapos ng digmaan at katiwasayan ng pamayanan.

“We, the chaplains of Stella Maris-Philippines, are one with our Holy Father, Pope Francis in prayers, in sacrifices and fasting for the peaceful resolution and all involved will come out to contrition, compassion; we are always praying for peace and for the protection of seafarers, vessels and cargo. We offer our Holy Masses for the safety of all, respect to human life and end to this war,” giit ni Bishop Santos.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 5,722 total reads

 5,722 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

Hesukristo, hari ng pagmamahal at pagtanggap

 5,855 total reads

 5,855 total reads Binigyang-diin nina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas at Novaliches Bishop Roberto Gaa ang natatanging paghahari ni Hesukristo na nakaugat sa pagmamahal, malasakit at paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 19,980 total reads

 19,980 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 142,613 total reads

 142,613 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 192,977 total reads

 192,977 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 320,035 total reads

 320,035 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 404,612 total reads

 404,612 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top