Gawing makabuluhan ang kuwaresma, paanyaya ng Obispo sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 629 total reads

Hinimok ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang mga mananampalataya na gawing makabuluhan ang Kuwaresma upang lumago sa pananampalataya.

Ito ang mensahe ng Obispo ngayong Miyerkules ng Abo bilang pagsisimula ng 40-araw na paghahanda sa pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ng Panginoon.

Ayon kay Bishop Ongtioco, ang Kuwaresma ay naaangkop na panahon bilang pagpapaalala na ang tao ay makasalanan at hinihikayat ang bawat isa na taimtim na magnilay at manalangin upang pagsisihan ang mga kasalanan at magbalik-loob sa Diyos.

Bukod dito, hinihikayat din ang mga mananampalataya na mag-ayuno o bawasan ang pagkain nang marami bilang pagsasakripisyo, gayundin na ang matitipid ngayong Kuwaresma ay gamitin sa pagkakawanggawa para sa mga higit na nangangailangan.

“Gamitin po natin ang panahon ng Kuwaresma upang lumago tayo sa pananampalataya sa pamamagitan ng panalangin, pag-aayuno at kawanggawa,” pahayag ni Bishop Ongtioco sa panayam ng Radio Veritas.

Ipinaliwanag ni Bishop Ongtioco na sa pagsisisi ng tao sa kanyang mga nagawang kasalanan, tinatalikuran nito ang kasamaan at tinatahak ang tuwid na pamumuhay bilang mabuting tagasunod ng Panginoong Hesukristo.

“Tayo ay laging inaanyayahan ng Panginoon na magbalik loob sa kanya. Kanyang tuwa na lagi tayong kapiling sa matuwid na pamumuhay at naglalakad sa gabay ng Espiritu Santo,” ayon sa Obispo.

Inaasahan naman ng simbahan na sa paggunita ng  Mahal na Araw ay magbabalik na rin ang mga nakagawian tulad ng prusisyon at ang tradisyunal na ‘Pabasa ng Pasyon’ ngayong pinahintulutan na sa mga lugar na sakop ng COVID-19 alert level 1 status  ang 100-porsyentong kapasidad sa religious gatherings.

Paalala naman ni Bishop Ongtioco sa mga mananampalataya ang ibayong pag-iingat at patuloy na pagsunod sa minimum public health standards upang mapanatili ang kaligtasan laban sa virus.

“Kahit na nasa alert level 1 na tayo, mag-ingat pa rin ang lahat at sumunod sa mga protocol para sa ating kalusugan and protection ng bawat isa,” paalala ni Bishop Ongtioco.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 10,447 total reads

 10,447 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

DOUBLE CRISIS

 251,444 total reads

 251,444 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 283,157 total reads

 283,157 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 384,984 total reads

 384,984 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 425,525 total reads

 425,525 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 144,387 total reads

 144,387 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top