Tulungan ang mga apektado ng Russian invasion, patuloy na sinisikap ng Caritas Ukraine

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 935 total reads

Tiniyak ng Caritas Ukraine ang tulong sa mamamayan ng bansa na patuloy na naapektuhan ng digmaan dahil sa paglusob ng Russia.

Ayon kay Caritas Ukraine Communication Manager Odarka Bordun, libo-libong mga pamilya at residente ang patuloy na nagsisilikas dahil sa patuloy na pagkubkob ng Russia.

Aminado si Bordun, na hindi madali para sa kanilang grupo ang pagsasagawa ng humanitarian efforts dahil na rin sa panganib ng patuloy na sagupaan.

“Ukrainian cities are ruined by shelling. Thousands of people have to leave their home because of Russian aggression caritas Ukraine these days is doing everything possible and even sometimes impossible to assist and support people who suffered because of war. But the situation is extremely difficult and unpredictable,” mensahe ni Bordun sa pamamagitan ng isang video na inilabas ng Facebook page ng Caritas Internationalis.

Nagpapasalamat naman ang Caritas Ukraine sa mga dasal at suporta na ipinahahatid ng iba’t-ibang organisasyon at mga indibidwal mula sa international community.

“We appreciate all the people around the world who support us,” dagdag pa ni Bordun.

Sa kabila ng peligro na nararanasan ngayon sa bansang Ukraine ay sinisikap ng ilang mga tagapamuno ng Simbahang Katolika doon na magsagawa ng kani-kanilang mga paraan upang makatulong lalo na sa pamamagitan ng pagkupkop sa mga bata.

Dito sa Pilipinas ay nagpahayag na ng panalangin at pakikiisa ang mga lider ng Simbahang Katolika para sa kapayapaan at katiwasayan sa bansang Ukraine.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 13,432 total reads

 13,432 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 112,430 total reads

 112,430 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 156,700 total reads

 156,700 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 179,811 total reads

 179,811 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 254,157 total reads

 254,157 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 110,018 total reads

 110,018 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top