Pagmimina, dahilan ng matinding pagbaha sa Palawan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,955 total reads

Nababahala ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang planong muling ipagpatuloy ang pagmimina sa Ipilan, Brooke’s Point, Palawan dahil sa maaaring maging epekto hindi lamang sa mga tao kundi maging sa kalikasan.

Ito ay ang nickel ore extraction project ng Lebach Mining Corporation na una nang sinuspinde ni dating Environment and Natural Resources Secretary at yumaong si Gina Lopez.

Ayon kay Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Mission na sa pagpapatuloy ng pagmimina sa Brooke’s Point, muli na namang isasagawa ang pagbubungkal ng mga lupa sa kabundukan gayundin ang pagpuputol ng mga puno.

Sinabi ng Obispo, ito ang dahilan kung bakit ang Palawan ngayon ay madalas nang binabaha at lubos nang naaapektuhan ng iba’t ibang kalamidad, tulad na lamang ng nangyari noong manalasa ang Bagyong Odette.

“Ang kagubatan ay masasakripisyo na naman ng pagmimina. Marami na namang mga puno ang puputulin at bundok na papatagin at alam naman po natin ang epekto nito sa atin. Madalas na pong nakakaranas ng baha ang Palawan,” pahayag ni Bishop Mesiona sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi rin ni Bishop Mesiona na maliban sa mga likas na yaman, apektado rin ng pagmimina ang mga katutubo na sapilitang pinapaalis sa kanilang mga lupaing ninuno para maisakatuparan ang proyekto.

“May mga katutubo na namang maisasantabi at madi-dislocate dahil marami sa kanila ang nakatira sa kabundukan,” ayon sa Obispo.

Nauna nang nagpasa ng petisyon sa DENR ang mga katutubong komunidad ng Ipilan laban sa Lebach kung saan nakasaad na wala itong anumang katibayan ng pagpapahintulot mula sa komunidad at lokal na barangay batay na rin sa nakasaad sa Philippine Mining Act.

Panawagan naman ni Bishop Mesiona sa mga kinauukulan na dapat munang isaalang-alang ng mga makapangyarihang kumpanya at ng pamahalaan ang magiging epekto ng mga binabalak na proyekto bago ito tuluyang ipatupad.

Nakasaad sa Laudato Si ni Pope Francis na mahalaga ang pagiging mapagmatyag ng komunidad upang matiyak na wasto at may moral na pamantayan ang pamahalaan sa pagpapatupad ng mga batas na nangangalaga sa kalikasan.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 6,836 total reads

 6,836 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

Hesukristo, hari ng pagmamahal at pagtanggap

 7,015 total reads

 7,015 total reads Binigyang-diin nina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas at Novaliches Bishop Roberto Gaa ang natatanging paghahari ni Hesukristo na nakaugat sa pagmamahal, malasakit at paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 21,933 total reads

 21,933 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 144,362 total reads

 144,362 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 194,726 total reads

 194,726 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 321,784 total reads

 321,784 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 406,270 total reads

 406,270 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 231,259 total reads

 231,259 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top