Pinakamalaking halaga ng ‘dividendo’ sa magkasunod na taon, naitala ng Pag-IBIG Fund

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,466 total reads

Inanunsyo ng Pag-IBIG Fund ang pamamahagi ng dividendo sa mga kasaping miyembro ng institusyon.

Ayon kay Pag-IBIG Fund Chairman at Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Eduardo Del Rosario ito na ang pinakamataas na dividendo sa kasaysayan ng institusyon na mapakinabangan ng mga miyembro.

“I’m happy to announce once again that the Pag-IBIG Board has approved dividends for our members’ savings in the amount of P31.79 billion – the highest declared amount in the history of Pag- IBIG!,” bahagi ng pahayag ni Del Rosario.

Sa Pag-IBIG Chairman’s Report noong February 24 una nang sinabi ni Del Rosario na nanatiling mataas ang Pag-IBIG Savings.

Patunay ito ng mas pagtangkilik ng mga miyembro sa mga programang ipinatupad ng ahensya para sa kapakinabangan ng bawat isa sa kabila ng pag-iral ng pandemya mula 2020.

Sinabi ng opisyal na nasa 5.5-percent ang final dividend rates ng Pag-IBIG Regular Savings at 6-percent naman sa MP2.

Dagdag pa ni Del Rosario na ang mataas na divedendo ay pasasalamat at pagtulong sa mga kasapi ng Pag-IBIG Fund.

“Giving higher returns on members’ savings is part of our efforts to give the best benefit to our members, especially as they face economic challenges due to the ongoing pandemic, while ensuring the Fund’s sustainability and stability,” ani Del Rosario.

Samantala, paliwanag naman ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy Moti na ang higher rates ay bunsod ng higher dividend pay-out ratio na pinagkasunduan ng Pag-IBIG Board.

Aniya, nais ng mga opisyal ng institusyon na mas bigyang tugon ang pangangailangan ng mga miyembro sa kabila ng 70-percent dividend sa annual net income ng ahensya ang nakasaad.

“Pag-IBIG Fund has always looked out for the wellbeing of our members. And when we perform well, it’s our members who benefit the most,” ani Moti.

Ito na ang ikalawang taon na umabot sa 92.15% ang highest payout ratio ng dividendo dahil sa pananatiling matibay ng financial position ng ahensya at paglago ng loan portfolio sa kabila ng pandemya.

Pinasalamatan din ni Moti ang mga kapwa opisyal ng Pag-IBIG Fund gayundin ang mga kasapi na nagtulungang mapalago ang institusyon.

“We, the Management, thank all members of the Board for recognizing the Fund’s efforts to maintain a stable Fund. We also recognize that the members themselves – their trust and confidence in the Fund’s programs – helped us deliver a great performance year after year. This is your Lingkod Pag-IBIG at work when you need us most,” saad ni Moti.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 13,721 total reads

 13,721 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 94,897 total reads

 94,897 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 189,122 total reads

 189,122 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 249,612 total reads

 249,612 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 262,810 total reads

 262,810 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 35,680 total reads

 35,680 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »
Scroll to Top