Pagmimina, dahilan ng matinding pagbaha sa Palawan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,841 total reads

Nababahala ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang planong muling ipagpatuloy ang pagmimina sa Ipilan, Brooke’s Point, Palawan dahil sa maaaring maging epekto hindi lamang sa mga tao kundi maging sa kalikasan.

Ito ay ang nickel ore extraction project ng Lebach Mining Corporation na una nang sinuspinde ni dating Environment and Natural Resources Secretary at yumaong si Gina Lopez.

Ayon kay Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Mission na sa pagpapatuloy ng pagmimina sa Brooke’s Point, muli na namang isasagawa ang pagbubungkal ng mga lupa sa kabundukan gayundin ang pagpuputol ng mga puno.

Sinabi ng Obispo, ito ang dahilan kung bakit ang Palawan ngayon ay madalas nang binabaha at lubos nang naaapektuhan ng iba’t ibang kalamidad, tulad na lamang ng nangyari noong manalasa ang Bagyong Odette.

“Ang kagubatan ay masasakripisyo na naman ng pagmimina. Marami na namang mga puno ang puputulin at bundok na papatagin at alam naman po natin ang epekto nito sa atin. Madalas na pong nakakaranas ng baha ang Palawan,” pahayag ni Bishop Mesiona sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi rin ni Bishop Mesiona na maliban sa mga likas na yaman, apektado rin ng pagmimina ang mga katutubo na sapilitang pinapaalis sa kanilang mga lupaing ninuno para maisakatuparan ang proyekto.

“May mga katutubo na namang maisasantabi at madi-dislocate dahil marami sa kanila ang nakatira sa kabundukan,” ayon sa Obispo.

Nauna nang nagpasa ng petisyon sa DENR ang mga katutubong komunidad ng Ipilan laban sa Lebach kung saan nakasaad na wala itong anumang katibayan ng pagpapahintulot mula sa komunidad at lokal na barangay batay na rin sa nakasaad sa Philippine Mining Act.

Panawagan naman ni Bishop Mesiona sa mga kinauukulan na dapat munang isaalang-alang ng mga makapangyarihang kumpanya at ng pamahalaan ang magiging epekto ng mga binabalak na proyekto bago ito tuluyang ipatupad.

Nakasaad sa Laudato Si ni Pope Francis na mahalaga ang pagiging mapagmatyag ng komunidad upang matiyak na wasto at may moral na pamantayan ang pamahalaan sa pagpapatupad ng mga batas na nangangalaga sa kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 13,722 total reads

 13,722 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 94,898 total reads

 94,898 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 189,123 total reads

 189,123 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 249,613 total reads

 249,613 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 262,811 total reads

 262,811 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 70,292 total reads

 70,292 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top