Simbahan sa Pilipinas, nakikiisa sa pagtatalaga ni Pope Francis sa Russia at Ukraine sa Kalinga ng Mahal na Birhen

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,026 total reads

Napapanahong itaas sa Panginoon ang lahat ng pangyayari sa mundo sa tulong at gabay ng Mahal na Birheng Maria.

Ito ang mensahe ni Digos Bishop Guillermo Afable- National Spiritual Director ng World Apostolate of Fatima of the Philippines hinggil sa nangyaring kaguluhan sa Russia at Ukraine.

“In the midst of trials and tribulations this is not really the time to be overwhelmed by worries and anxieties instead it is a time for us to raise the banner of Jesus and Mary, the banner of the Divine Mercy and the banner of Our Lady,” pahayag ni Bishop Afable sa Radio Veritas.

Nakikiisa ng obispo ang isasagawang pagtatalaga sa Russia sa pangangalaga ng Kalinis-linisang Puso ni Maria na pangungunahan ni Pope Francis sa March 25 kasabay ng Dakilang Kapistahan ng Paghahayag ng Mabuting Balita tungkol sa Panginoon.

Sinabi ni Bishop Afable na hindi dapat nangyayari ang mga trahedya, kaguluhan at kalamidad sa mundo kung maingat at matapat ang tao sa Panginoon.

Matatandaang sa pagpapakita ng Mahal na Birheng Maria noong 1917 sa Fatima, Portugal kabilang sa mga mensahe ang kahilingang italaga ang Russia sa kanyang Kalinis-linisang puso.

Sinabi pa ng Mahal na Ina na kung pakikinggan ang kanyang kahilingan magkakaroon ng kapayapaan ang buong mundo subalit kung bigo itong maisakatuparan mangunguna ang Russia sa pagpapalaganap ng hindi pagkakasundo na hahantong sa kaguluhan.

“Kaya nga ang Our Lady of Fatima noong 1917 asks for prayer, repentance and consecration para yung kasamaan hindi hahantong sa trahedya; pwedeng hadlangan sa pamamagitan ng ating pagdarasal, pagbabalik-loob sa Diyos at pag-consecrate,” ani Bishop Afable.

Nauna nang itinalaga ng simbahang katolika ang buong mundo at Russia sa kalinga ng Mahal na Birhen noong October 31, 1942 sa pangunguna ni Pope Pius XII, at May 13, 1982; March 25, 1984 at October 8, 2000 sa pangunguna naman ni Pope St. John Paul II.

October 2013 naman ng muling itinalaga ni Pope Francis ang buong daigdig sa Kalinis-linisang puso ni Maria kasabay ng pagkahalal bilang pinunong pastol ng buong simbahang katolika.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 221,498 total reads

 221,498 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 253,229 total reads

 253,229 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 355,053 total reads

 355,053 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 395,614 total reads

 395,614 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 407,416 total reads

 407,416 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top