Agustinian Recollect Missionaries, hinamon ni Pope Francis na tularan si San Jose

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 925 total reads

Binisita ng Augustinian Recollect missionaries ang Kanyang Kabanalan Francisco kasabay ng ika – 56 na General Chapter ng Order of Augustinian Recollects.

Ipinagkaloob ng mga misyonero sa Santo Papa ang replica image ng Nuestra Señora de la Salud (Our Lady of Health) bilang pasasalamat at pakikiisa sa misyon ng simbahan.

Mensahe ni Fr. Dionisio Selma, OAR kay Pope Francis ang patuloy na pananalangin sa punong pastol ng simbahan at ibinahagi ang kasaysayan ng imahe ng Mahal na Birhen na dinala sa Pilipinas noong 1634 at naghatid ng kagalingan sa naranasang pandemya noon.

“The image of Nuestra Señora de la Salud has brought healing to many Filipinos during the pandemic. We offer prayers for your work and leadership of our Church,” bahagi ng mensahe ni Fr. Selma.

Ito rin ay kaloob ng mga rekoleto bilang pasasalamat at handog sa ikalimang sentenaryo ng kristiyanismo sa Pilipinas kung saan patuloy na lumalago ang pananampalataya at debosyon ng mga Filipino.

Ang debosyon ng mga Filipino sa Nuestra Señora de la Salud ay nagsimula noong panahon ng Spanish Recollect missionaries sa Pilipinas.

Sa gitna ng naranasang pandemya bunsod ng COVID-19 marami ang humiling ng panalangin kagalingan sa tulong ng Mahal na Birhen ng Salud.

Sa pulong, hinimok ni Pope Francis ang mga Recoleto na patuloy na ihayag ang misyon ng Panginoon tulad ni San Jose na kumakalinga sa kawang inihabilin ng Diyos kabilang na ang pagiging foster father ni Jesus.

“Every priest is called, like Joseph, to have a “father’s heart”, that is, a restless heart that goes out of his way to love and care for his children and daughters who have been entrusted to him, especially the most fragile, those who suffer, those who have not had the experience of paternal love,” ayon pa ni Pope Francis.

Iginiit ng Santo Papa na nararapat tularan si San Jose sa pagmimisyon sapagkat isinakatuparan nito ang mga iniatang na gawain para sa sanlibutan.

Hamon ni Pope Francis sa mga misyonero ang patuloy na pakikilakbay ng simbahan o ang synodal journey upang ihanda ang mananampalataya at hubugin ang ispiritwalidad ng nasasakupang kawan.

“Let us prepare ourselves for what is going to happen, and let us give our charism, our gift to those who can carry it forward. Please do not mend the things that cannot be mended because a culture is imposed on us,” ani Pope Francis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 224,178 total reads

 224,178 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 255,909 total reads

 255,909 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 357,733 total reads

 357,733 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 398,295 total reads

 398,295 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 409,931 total reads

 409,931 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top