Education for Social transformation ng mga guro, iminungkahi ng Madre

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 703 total views

Mahalaga ang pagkakaroon ng bukas na kamalayan ng mga guro sa mga usaping panlipunan upang ganap na magabayan ang mga kabataan sa tunay na nagaganap sa bayan.

Ito ang binigyang diin ni Sr. Mary John Mananzan, OSB – Former President ng St. Scholastica’s College Manila sa naganap na 2022 CEAP National JEEPGY Conference kung saan tinalakay ang ‘Education for Social Transformation’.

Ayon sa Madre, magsisimula sa kamalayan ng mga guro ang pagiging mulat ng kabataan sa mga tunay na nagaganap sa lipunan.

Ipinaliwanag ni Sr. Mananzan na importante ang maalab na pagnanais ng mga guro na magkaroon ng pagbabago sa lipunan upang mahubog ang mga mag-aaral sa pagmamahal sa bayan at sa kapwa.

“First of all the most important thing is to educate the teachers kasi if the teachers are really impute with the social orientation, it will go into their classes you do not have to go directly to the students, no. You go to the teachers and when the teachers are talagang burning with this ideal of really transforming society it will appear, it will go into their lessons plans, it will go into the methodology.” pahayag ni Sr. Mananzan

Ibinahagi ng Madre na hindi lamang takot ang nakakahawa kundi maging ang tapang at paninindigan sa iba’t-ibang mga usaping panlipunan.

Iginiit ni Sr. Mananzan na bahagi ng tungkulin ng Simbahan na magsilbing halimbawa sa taumbayan sa pagkakaroon ng lakas at tapang na manindigan laban sa mga maling nagaganap sa lipunan.

“Fear is infectious but so is courage, when we see people sowing a bit of courage we are so inspired also to act with courage, I think that is our role as church people now to answer, to respond to this challenge of prophecy.” Dagdag pa ni Sr. Mananzan.

Nagsimula ang weeklong 2022 CEAP National JEEPGY Conference noong ika-14 ng Marso at magtatagal hanggang sa ika-21 ng buwan sa pakikipagtulungan ng Private Education Assistance Commission (PEAC) na maari namang masubaybayan sa official Facebook page ng CEAP.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 19,457 total views

 19,457 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 63,065 total views

 63,065 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 147,387 total views

 147,387 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 163,124 total views

 163,124 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top