CBCP, naninindigan laban sa “destructive mining”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 661 total reads

Tiniyak ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang patuloy na paninindigan at pagtutol sa mapaminsalang industriya ng pagmimina sa bansa.

Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Social Action, Justice, and Peace na nananatiling matibay ang paninindigan ng kapulungan laban sa pagmimina na apektado hindi lamang ang kalikasan, kundi maging ang iba’t-ibang komunidad.

“Ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ay naglabas na ng kanilang pastoral letter on ecology at very clear – buo ang samahan ng mga Obispo ng Pilipinas na kontra sa tinatawag natin na destructive mining,” pahayag ni Bishop Bagaforo.

Nagpahayag rin ng pakikiisa ang Obispo sa panawagang amyendahan na ang Mining Act of 1995.

Ipinaliwanag ni Bishop Bagaforo na ito’y upang muling masuri ang mga dapat baguhin sa batas na naaangkop sa kasalukuyang kalagayan ng kapaligiran, at mapigilan ang operasyon ng pagmimina.

Iginiit ng Obispo na sa halip na magdulot ng kaunlaran ay lalong paghihirap sa mamamayan ang nagiging epekto ng pagmimina.

“Nakikiisa kami sa panawagan na ‘yung Mining Act of 1995 ay dapat palitan na at amyendahan at tingnan ng mabuti ang ating sinusulong na Alternative Minerals and Management Bill,” saad ng Obispo.

Ginawa ng Obispo ang pahayag sa isinagawang Bike and March protest ng Alyansa Tigil Mina sa harapan ng tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources.

Nanawagan ang grupo sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte at D-E-N-R na panagutan ang patuloy na pagpapahintulot sa iba’t-ibang proyekto na nagdudulot ng mas matinding pinsala sa kalikasan at paghihirap ng mga komunidad.

Naunang naglabas ng pastoral statement ang C-B-C-P hinggil sa paninindigan ng simbahan tungo sa wastong pangangalaga at pagsasabuhay ng ensiklikal na Laudato Si’ ng Kanyang Kabanalang Francisco.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 10,716 total reads

 10,716 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 92,058 total reads

 92,058 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 186,283 total reads

 186,283 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 246,773 total reads

 246,773 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 260,165 total reads

 260,165 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 70,133 total reads

 70,133 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top