Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 752 total reads

Ito ang mensahe ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa mga susunod na lider ng bansa kaugnay sa patuloy na pagiging malapit ng Pilipinas sa China.

Ipinaliwanag ng Obispo na hindi masama ang pakikipagkaibigan subalit dapat manindigan ang bansa lalo na sa usapin ng West Philippine Sea.

Ito rin ang pananaw ng opisyal hinggil sa sitwasyon ng Ukraine na kasalukuyang lumalaban sa Russia sa tangkang pananakop.

“Ang pangyayari sa Ukraine ay mensahe rin sa atin sa Pilipinas ngayong naghahanda tayong pumili ng mga leaders natin. Maging maingat tayo sa dambuhalang kalapit na bansa natin. Maging maingat tayo sa Tsina. Huwag tayo basta-bastang magpapadala sa kanila. Hindi natin alam ang balak nila. Kaya, keep distance amigo!,” bahagi ng pagninilay ni Bishop Pabillo.

Inihayag ng Obispo na nakababahala ang pananakop ng Russia sa maliit na bansang Ukraine kung saan milyung-milyong residente ang apektado ng digmaan kabilang na ang mga bata.

Iginiit ni Bishop Pabillo na dapat isapuso ng mga Filipino lalo na sa mahigit 60-milyong botante ang wastong pagpili ng mga lider ng bansa na handang manindigan laban sa China at igiit ang karapatan ng Pilipinas sa mga teritoryong sakop ng bansa.

“Kailangan natin ng leader ng ating bansa na may lakas ng loob na maninindigan para sa ating karapatan sa harap ng Tsina,” ani Bishop Pabillo.

Puspusan ang bansa sa paghahanda sa nalalapit na halalan sa Mayo at pinalalakas ng simbahan ang voter’s education campaign na layong tulungan ang mga botante na kilalanin ang karakter ng bawat kandidato na handang magtataguyod sa kabutihan ng mamamayan.

Kabilang na rito ang One Godly Vote ng Archdiocese of Manila na mapakikinggan sa Radio Veritas tuwing alas otso hanggang alas diyes ng umaga Lunes hanggang Biyernes.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 231,970 total reads

 231,970 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 263,701 total reads

 263,701 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 365,525 total reads

 365,525 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 406,088 total reads

 406,088 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 417,180 total reads

 417,180 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top