21-bilyong pisong financial assistance sa mga magsasaka, pinuri ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 376 total reads

Ikinagalak ng CBCP – Permanent Committee on Public Affairs ang inaprubahang pondo ni Pangulong Rodrigo Duterte na makatutulong sa mga magsasaka.

Ayon kay Lipa, Batangas Archbishop Ramon Arguelles, chairman ng komisyon, matagal ng hinihintay ng mga magbubukid ang P21 bilyong pisong financial assistance na ipagkakaloob sa kanila.

Ito’y isang kasunduan na magbibigay benipisyo sa mga mahihirap na pamilya na kabilang sa Conditional Cash Transfer program ng pamahalaan.

Isinisi naman ni Archbishop Arguelles sa kapabayaan ng pamahalaan sa mga magsasaka kaya’t nagpapatuloy ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin tulad ng bigas at gulay.

Iginiit pa nito na dapat pagmalasakitan ng gobyerno ang mga magsasaka lalo’t lumiliit na ang kanilang bilang na nasa 11.6 na milyon na lamang sila mula sa mahigit 100 milyong populasyon ng bansa.

“That’s good news sapagkat matagal ng dapat bigyan yan ng pansin ng gobyerno yung mga manggagawang magsasaka na matulungan na makaipon sila. Tulad niyan nagmamahal ang presyo ng mga pagkain dahil hindi inaalagaan ang ating mga magsasaka. Yung mga maliliit na tao dapat inaalagaan yan dahil sila ang nagbibigay sa atin ng pagkain,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Arguelles sa panayam ng Veritas Patrol.

Samantala, batay naman sa pag – aaral na inilabas ng NEDA o National Economic Development Authority ukol sa agrikultura o industriya sa pagkain sa Pilipinas. Nasa 11 porsyento lang ang halaga ng agrikultura sa kabuuang ekonomiya ng bansa.

Nauna na ring nag – alay ng panalangin ang Kanyang Kabanalan Francisco nitong buwan ng Abril para sa mga magsasaka na kung saan ipinanawagan nitong makatanggap ng makatarungang pagkilala ang pamahalaan sa mga maliliit na magsasaka.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagod na pagod

 22,251 total reads

 22,251 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 242,868 total reads

 242,868 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 277,541 total reads

 277,541 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 293,441 total reads

 293,441 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 328,381 total reads

 328,381 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 231,148 total reads

 231,148 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 366,715 total reads

 366,715 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top