Labanan ng katotohanan ang election infodemic, hamon ng Obispo sa mga botante

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 684 total reads

Mahalaga ang lahat ng mga impormasyon at paraan na maaring makatulong sa mga botante upang matalinong makapili ng ihahalal sa nakatakdang eleksyon sa bansa.

Ito ang binigyang diin ni Tarlac Bishop Enrique Macaraeg – chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity kaugnay sa panibagong serye ng LAIKO Online Conversation bilang patuloy na paghahanda sa nakatakdang National and Local elections sa Pilipinas.

Ayon sa Obispo, kasabay ng papalapit na halalan sa ika-9 ng Mayo, 2022 ay mas higit na kinakailangang paigtingin ang mga hakbang upang magabayan ang bawat botante na maging mapanuri sa pagpili ng mga karapat-dapat na ihalal na mga opisyal ng bayan.

“The May 9, 2022 election is fast approaching and anything that gives us information or guidance to make a proper decision of whom to vote for this coming election is a great value and importance.” pahayag ni Bishop Macaraeg.

Tema ng naging talakayan ang “The Truth Shall Set You Free” kung saan tinalakay ang malaking hamon sa bawat isa partikular na sa Simbahan na labanan ang laganap na infodemic tulad ng laganap na fake news ngayong panahon ng eleksyon.

Ipinaliwanag ni Laiko President Raymond Daniel “Jun” Cruz, Jr. na layunin ng LAIKO online conversation na bigyang diin ang kahalagahan ng pagpapalaganap ng katotohanan.

Ayon kay Cruz, nawa ay magkaisa ang lahat sa pagpili at paghahalal ng mga kandidato na muling makapagbabalik ng tiwala ng publiko sa pamahalaan.

“The truth will set you free, we hope that we can trust and bring people whom we could trust.” Pagbabahagi ni Cruz.

Iginiit ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas na mahalaga ang aktibong partisipasyon ng lahat ng 67-milyong mga botante upang maisulong ang tapat na halalan at mabuting pamamahala sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 10,993 total reads

 10,993 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 92,315 total reads

 92,315 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 186,540 total reads

 186,540 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 247,030 total reads

 247,030 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 260,401 total reads

 260,401 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 17,553 total reads

 17,553 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top