TDCL, nagpahayag ng suporta kay Robredo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 815 total reads

Nagpahayag ng suporta ang Tarlac Diocesan Council of the Laity sa kandidatura sa pagkapangulo ni Vice President Leni Robredo.

Sa opisyal na pahayag ng Sangguniang Laiko ng Diyosesis ng Tarlac, binigyang diin ng grupo ang kahalagahan ng pagpili ng lider ng bansa na may tunay na pagnanais na maglingkod sa bayan at tugunan ang mga suliraning panlipunan.

Ipinaliwanag ng Tarlac Diocesan Council of the Laity na nakasalalay sa desisyon ng bawat botante sa darating na Mayo a-nuebe ang pag-unlad o pagkasira ng bansa sa ihahalal na lider.

Iginiit ng grupo na hindi na dapat pang maulit ang madilim na bahagi ng kasaysayan ng bansa kaya’t kailangang maging mapanuri ang bawat isa at hingin ang paggabay ng Panginoon sa pagdedesisyon.

“We are to choose a leader that holds a history of addressing poverty and justice issues. Our decisions on May 9, 2022 have real ramifications. It matters who will lead. The wrong leader can ruin our country and destroy liberties. A painful part of the history of the Filipino people should never be repeated.” bahagi ng opisyal na pahayag ng Tarlac Diocesan Council of the Laity.

Nilinaw ng Tarlac Diocesan Council of the Laity na matapos ang mga serye ng process of discernment ay natukoy ng grupo na si Vice President Leni Robredo ang nagtataglay ng mga katangiang naaangkop upang pamunuan ang bansa bilang pangulo.

Kabilang sa mga katangiang ito ang pagkakaroon ng kahanga-hangang prinsipyo, kawalan ng bahid kurapsyon at track record na patunay ng kanyang mga kakayahan at pagtugon sa mga nangangailangan.

“We advocate for a leader who has clear convictions about what is right and wrong and respected for being genuine, principled, ethical and consistent. The Tarlac Diocesan Council of the Laity (TDCL) ExeCom supports a leader who is morally trustworthy and acts responsibly for the good of all. We support presidential candidate, Maria Leonor “Leni” Gerona Robredo.” Paglilinaw ng grupo

Samantala nagpahayag rin ng suporta ang Tarlac Diocesan Council of the Laity sa Buhay Hayaan Yumabong Party-List (BUHAY Partylist) na nagsusulong ng ganap na proteksyon at pagbibigay halaga sa kasagraduhan ng buhay ng bawat nilalang, mga may kapansanan, matatanda at mga naisasantabi sa lipunan.

“The TDCL ExeCDom likewise calls for the people’s support to a party-list that acknowledges the sanctity and value of human life. Buhay Hayaan Yumabong Party-List (BUHAY) ‘professes to protect and support the unborn, the sick, the disabled and other not capable of protecting themselves alone, through observance of the basic right to live’.” Pagbabahagi pa ng TDCL.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 240,902 total reads

 240,902 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 272,631 total reads

 272,631 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 374,457 total reads

 374,457 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 415,018 total reads

 415,018 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 425,572 total reads

 425,572 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top