Iboto ang kandidatong magpapatupad ng “dignity- based governance”.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 814 total reads

Naniniwala ang opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na kinakailangan ng sambayanang Filipino ang mga pinuno na magpapatupad ng dignity-based governance.

Ayon kay Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP-Permanent Committee on Public Affairs, ito ay pagkilala ng mga pinuno sa kanilang kapwa bilang mga kapatid.

“Kinikilala mo dito na ang tao ay anak ng Diyos at bilang anak ng Diyos kapatid natin ang ating kapwa tao. Kaya sa ‘yong gagawin na paglilingkod, isasaalang-alang mo ang totoong kapakanan ng kapatid natin. At ibibigay mo bilang pinuno ang kung anong nararapat na ipagkaloob sa kapatid natin,” ayon kay Fr. Secillano sa programang Veritasan ng Radio Veritas.

Binigyan diin ni Father Secillano na bilang pinuno ay nararapat lamang na ang gagawing paglilingkod ay para sa kapakanan at kabutihan ng kaniyang kapwa.

“So, what is meant by dignity-based governance, ako po halimbawa bilang isang tao ay dapat nakapag-aaral, may seguridad sa pagkain, basic needs natatanggap ko. So, ito ay naipagkakaloob po ba ng pamahalaan? Sila po ang nangangalaga ng resources at public funds ibigay sa taong bayan ang dignified living conditions.”pahayag ng Pari

Ipinaliwanag ng pari sa pamamagitan ng paggamit ng kapangyarihan sa tamang pamamahala upang ang bawat isa ay makinabang sa mga benepisyo sa edukasyon, trabaho at mga pangunahing pangangailangan.

Sinabi pa ng pari na ang mga pinuno ng bayan ay kinakailangang kumikilala sa karapatan at nagbibigay pagpapahalaga sa kalagayan ng mamamayan.

Patuloy namang panawagan ng CBCP sa 67 milyong botante na suriing mabuti ang mga kandidato na siyang magbibigay ng tuon sa kabutihan hindi lamang ng iilan kundi para sa lahat.

Inaanyayahan din ng Radio Veritas ang mga botante na makinig at manood sa one-on-one interview sa mga kandidato sa pagka-pangulo, pangalawang pangulo at mga Senador sa Catholic E-Forum mula Lunes hanggang Biyernes ganap na alas-otso hanggang alas-diyes ng umaga.

Ang Catholic E-Forum ay bahagi ng voters education na OneGodly vote ng Archdiocese of Manila at Radio Veritas para gabayan ang mga botante sa paghalal ng karapat-dapat na pinuno ng bansa sa ika-9 ng Mayo 2022.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 4,183 total reads

 4,183 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 28,111 total reads

 28,111 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 68,671 total reads

 68,671 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 95,258 total reads

 95,258 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 143,524 total reads

 143,524 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 164,331 total reads

 164,331 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

VP Sara at asawa, may 51-baril

 24,078 total reads

 24,078 total reads Umaabot sa 51 ang kabuuang bilang ng mga baril na pag-aari ni Vice President Sara Duterte at asawa nitong si Atty. Manases Carpio.

Read More »
Scroll to Top