LASAC command center, binuksan para sa mga residenteng apektado ng Taal Volcano unrest

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 821 total reads

Binuksan ng Lipa Archdiocesan Social Action Commission o LASAC ang kanilang Malasakit para sa Batangas Command Center matapos isinailalim sa alert level 3 o increase unrest ang Bulkang Taal sa Batangas nang magtala ng phreatomagmatic activity.

Ayon kay Lipa Archdiocesan Social Action Commission (LASAC) Director Father Jason Siapco,tutukan ng LASAC command center ang pangangailangan ng mga residente malapit sa bulkang Taal.

Inihayag ni Father Siapco na pinalikas na ang mga residenteng naninirahan sa loob ng 5-kilometer radius mula sa Taal Volcano partikular na sa mga bayan ng Laurel at Agoncillo dahil sa posibleng paglala ng kalagayan ng bulkan.

“Definitely we will be doing our response dahil may mga affected population na and at the same time, nagmo-monitor na kami ngayon,” pahayag ni Fr. Siapco sa panayam ng Radio Veritas.

Maliban sa mga pagkain at tubig, nanawagan ang komisyon ng N95 mask donations na ipapamahagi sa mga residente sa apektadong lugar bilang proteksyon laban sa inilalabas na abo at asupre mula sa Bulkang Taal.

Ipinaalala naman ni Fr. Siapco sa mga taga-Batangas at Tagaytay city ang patuloy na pananalangin upang gabayan ng Panginoon ang bawat isa lalo na ang mga higit na apektado na maligtas sa anumang panganib.

Hinimok ng Pari ang mga residente na maging alerto at mag-ingat.

“Para sa mga nasa palibot ng bulkan, mag-ingat, maging alerto; para dun sa may mga communities at sa aming mga social action ministers, kailangang makipag-coordinate sa amin; at para naman sa mga tao ay ‘di patuloy na magdasal, at makipagkawanggawa,” ayon kay Fr. Siapco.

Batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang alert level 3 ay nangangahulugang ang magma ay malapit na sa itaas na bahagi ng bulkan kaya’t asahang ang mga magiging aktibidad nito ay maaaring magdulot ng mas mapanganib na pagsabog.

Hinihikayat naman ng ahensya na magsilikas na ang mga residenteng nasa Taal Volcano Island at ilang mga barangay upang maiwasa ang panganib na maaaring idulot ng pagliligalig ng bulkan.

July 23, 2021 nang ibaba sa Alert Level 2 o increasing unrest ang Bulkang Taal mula sa Alert Level 3.

Habang January 12, 2020 naman nang ilagay ang bulkan sa Alert Level 4 o intense unrest matapos makapagtala ng pagyanig at maglabas ng makapal na usok at abo na umabot hanggang Metro Manila.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 4,199 total reads

 4,199 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 28,134 total reads

 28,134 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 68,694 total reads

 68,694 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 95,280 total reads

 95,280 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 143,546 total reads

 143,546 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 164,350 total reads

 164,350 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 129,087 total reads

 129,087 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top