RA 11659, kinundena ng FDC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 784 total views

Kinundena ng Freedom from Debt Coalition (FDC) ang Republic Act No.11659 na nag-amyenda sa Public Service Act (PSA).

Sa paglagda ng Pangulong Rodrigo Duterte sa batas ay maari ng magmay-ari ng 100% ang mga banyagang negosyante nang mga telecommunications, Airlines at Railways companies sa Pilipinas.

Ayon kay FDC Vice-President Elijah San Fernando, nakakadismaya ang hakbang dahil mas binigyang prayoridad ito sa halip na unahin ang pagtulong sa lokal na sektor ng ekonomiya.

Sinabi ng FDC na ipinapakita sa batas ang pagpapahintulot na alipinin ang mga Pilipinong manggagawa kapalit ng kakaunting kaginhawaan.

“Ito ang legasiyang iiwan ni Duterte bago siya umalis sa Malacañang – ang higit na pagpapakatuta sa dayuhang kapital habang naghihirap ang mamamayang Pilipino. Sa halip na gumawa ng mga kapamaraanan para palakasin ang mga lokal na industriya, ibinuyangyang ng gobyerno ang mga kritikal na industriya sa kontrol ng mga banyaga,”pahayag ni Fernando sa Radio Veritas.

Iminungkahi naman ng FDC na sa halip na unahin ang pagpasok ng mga banyagang industriya sa bansa ay dapat palakasin muna ang lokal na sektor ng ekonomiya upang mabigyan rin ng trabaho ang mga manggagawa.

Kasabay ito ng pagsawalang-bisa ng mga polisiyang ‘Neoliberal’ upang maibalik din sa pamahalaan at publiko ang mga malalaking industriya ng suplay sa kuryente, tubig at maging ng health care system.

Sinabi ni Fernando na dapat gamitin ng pamahalaan ang buwis para pondohan ang mga serbisyo publiko

Unang isinulong ang ‘Economy of Francesco’ ng mga kabataang lider mula sa ibat-ibang bansa upang itaguyod ang sistema ng ekonomiyang makatao, makakalikasan at tutulungan ang bawat isa tungo sa pag-unlad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 67,242 total views

 67,242 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 110,850 total views

 110,850 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 193,748 total views

 193,748 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 205,786 total views

 205,786 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top