RA 11659, kinundena ng FDC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 930 total reads

Kinundena ng Freedom from Debt Coalition (FDC) ang Republic Act No.11659 na nag-amyenda sa Public Service Act (PSA).

Sa paglagda ng Pangulong Rodrigo Duterte sa batas ay maari ng magmay-ari ng 100% ang mga banyagang negosyante nang mga telecommunications, Airlines at Railways companies sa Pilipinas.

Ayon kay FDC Vice-President Elijah San Fernando, nakakadismaya ang hakbang dahil mas binigyang prayoridad ito sa halip na unahin ang pagtulong sa lokal na sektor ng ekonomiya.

Sinabi ng FDC na ipinapakita sa batas ang pagpapahintulot na alipinin ang mga Pilipinong manggagawa kapalit ng kakaunting kaginhawaan.

“Ito ang legasiyang iiwan ni Duterte bago siya umalis sa Malacañang – ang higit na pagpapakatuta sa dayuhang kapital habang naghihirap ang mamamayang Pilipino. Sa halip na gumawa ng mga kapamaraanan para palakasin ang mga lokal na industriya, ibinuyangyang ng gobyerno ang mga kritikal na industriya sa kontrol ng mga banyaga,”pahayag ni Fernando sa Radio Veritas.

Iminungkahi naman ng FDC na sa halip na unahin ang pagpasok ng mga banyagang industriya sa bansa ay dapat palakasin muna ang lokal na sektor ng ekonomiya upang mabigyan rin ng trabaho ang mga manggagawa.

Kasabay ito ng pagsawalang-bisa ng mga polisiyang ‘Neoliberal’ upang maibalik din sa pamahalaan at publiko ang mga malalaking industriya ng suplay sa kuryente, tubig at maging ng health care system.

Sinabi ni Fernando na dapat gamitin ng pamahalaan ang buwis para pondohan ang mga serbisyo publiko

Unang isinulong ang ‘Economy of Francesco’ ng mga kabataang lider mula sa ibat-ibang bansa upang itaguyod ang sistema ng ekonomiyang makatao, makakalikasan at tutulungan ang bawat isa tungo sa pag-unlad.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 4,193 total reads

 4,193 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 28,123 total reads

 28,123 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 68,683 total reads

 68,683 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 95,270 total reads

 95,270 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 143,536 total reads

 143,536 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 164,342 total reads

 164,342 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seafarers, kinilala ni Bishop Santos

 23,972 total reads

 23,972 total reads Kinilala ni Antipolo Bishop Ruperto Cruz Santos, CBCP Bishop Promoter of Stella Maris–Philippines, ang mga marinong Pilipino sa paggunita ng National Seafarers’ Sunday,

Read More »
Scroll to Top