Synod on Synodality, isang eye-opener sa mga layko ng Archdiocese of Cebu

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,180 total reads

Naniniwala ang opisyal ng Cebu Archdiocesan Commission on the Laity na mas lalago ang Simbahan sa isinagawang Synod on Synodality.

Sa panayam ng Radio Veritas kay LayKo Cebu Chairperson Fe Barino, sinabi nitong mahalagang mabigyang pagkakataong mapakinggan ang iba’t ibang sektor ng lipunan bilang bahagi ng Simbahan.

Ayon kay Barino sa pamamagitan ng sinodo mas mahimok pa ang mamamayan na makiisa sa misyon ng simbahan.

“There’s really hope na kung kini sila (layko) tagaan ug voice, tagaan ug chance to participate molambo gyud ang atong simbahan; this is very important voice o mga sentiments that we need to listen to encourage them to participate in the mission of the church,” pahayag ni Barino sa Radio Veritas.

Puspusang isinagawa ng Archdiocese of Cebu ang synod on synodality sa 270 mga parokya at iba’t ibang sectoral groups na layong pakinggan ang kanilang hinaing at mungkahi sa simbahan.

Ibinahagi ni Barino na ikinagalak ng mga sectoral groups na kanilang binisita ang isinagawang sinodo sapagkat paiigting nito ang kani-kanilang talento na makatutulong sa simbahang katolika at sa mananampalataya.

“They feel that they are really part of the church. I am happy at ngayon ko lang na-realize na marami pala at iba-iba ang mga gift ng bawat tao that are very important to the life of the church and these are the lay people,” saad ni Barino.

Bilang pakikiisa sa panawagan ni Pope Francis na paghahanda sa Synod of Bishops sa 2023 na binuksan noong October 2021, bumuo ng grupo ang arkidiyosesis na mangangasiwa sa synodal consultations sa pangunguna ni Cebu Auxiliary Bishop Midyphil Billones kasama si Barino at ilang pari at relihiyoso.

Layon ng synodal journey na makalikha ng preparatory document na isusumite sa Vatican upang talakayin sa pagtitipon ng mga obispo sa susunod na taon.

Igiiit ni Barino na ang inilunsad ni Pope Francis na Synod on Synodality ay maituturing na eye-opener upang lawakan ang pakikibahagi sa simbahan ng mga layko bilang iisang katawan ni Kristo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 225,402 total reads

 225,402 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 257,133 total reads

 257,133 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 358,957 total reads

 358,957 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 399,519 total reads

 399,519 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 411,094 total reads

 411,094 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top