LASAC, nakatutok sa mga bayan na apektado ng pagsabog ng bulkang Taal

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,781 total views

Ilang bayan sa lalawigan ng Batanags ang binabantayan ngayon ng Archdiocese of Lipa matapos magsilikas ang mga residente dahil sa banta ng pagliligalig ng bulkang Taal.

Ayon kay Paolo Ferrer, communication officer ng Lipa Archdiocesan Social Action Center o LASAC, nakatuon ang kanilang atensyon sa mga Parokya at bayan sa Agoncillo at Laurel kung saan nasa mahigit isang libong pamilya ang pansamantalang inilikas matapos na itaas sa alert level 3 status ang bulkan.

Sa kasalukuyan, hindi pinahihintulutan ang pagkakaroon ng mga evacuees sa mismong mga Simbahan at mas minabuti na manatili ang mga residente sa mga matataas na lugar.

“Simula nung nag-alburoto ito nung isang araw patuloy ang monitoring [namin] at ang abiso ng PHIVOLCS ay tumutok sa kanilang mga anunsyo dahil ano mang oras ay maaring sumabog muli ang bulkan. Yung Municpality ng Agoncillo at Laurel, yan ang pasok sa identified na danger zone, yan ang mga malapit na barangay sa bulkang Taal. Itong Parokya ng Our Lady of Perpetual Help, sa Laurel may isa din Parokya at may dalawa sa Agoncillo ang constant communication tayo. Pahayag pa ni Ferrer sa panayam ng programang Caritas in Action sa Radyo Veritas.

Magugunitang unang umapela ang Archdiocese of Lipa ng panalangin para sa mga naapektuhan ng pagliligalig ng bulkang Taal.

See Story:
Pananalangin ng “oratio lipensis” sa kaligtasan ng Taal volcano residents, hiniling ng Archdiocese of Lipa

Tiniyak ng Arkidiyosesis na naka-antabay ang kanilang hanay sa posibilidad ng pangangailangan ng mga apektadong residente bagamat natutugunan pa ito ng lokal na pamahalaan sa kasalukuyan.

“Tayo ay augmentation lamang at covered pa naman ng mga municiapality ang mga evacuees pero tayo ay dapat maghanda three steps ahead kaya nananawagan na kami sa inyo ng [tulong].”Dagdag pa ni Ferrer.

Kaugnay nito naghahanda na ang Caritas Manila ng posibleng itulong para sa mga naapektuhan ng muling pagliligalig ng bulkang Taal.

Matatandaang taong 2020 nang magligalig ang bulkang Taal kung saan libo-libo ang naapektuhan at milyong halaga ang napinsala.

Isa ang Caritas Manila sa mga unang nakipag-ugnayan sa Arkidiyosesis ng Lipa at nagpadala ng tulong.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 62,587 total views

 62,587 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 106,195 total views

 106,195 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 189,259 total views

 189,259 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 201,675 total views

 201,675 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 78,054 total views

 78,054 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top