Pagbabago sa pulitika nagsisimula sa pagbabago ng mamamayan – CBCP President

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 917 total views

Umaasa ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na maging gabay si Hesus sa pagpapasya lalo na sa nalalapit na 2022 national and local elections.

Sa liham pastoral ni CBCP President, Kalookan Bihop Pablo Virgilio David, binigyang-diin na ang pagbabago sa pulitika ng bansa ay magsisimula sa pagbabago ng mamamayan.

Ayon sa Obispo, ang pagpapanibago ng tao ay makakamit sa paghingi ng paumanhin sa pagkakasalang nagawa laban sa Diyos at sa kapwa.

“Ang pagbabago ng ating pulitika ay nangangailangan ng pagbabago ng puso, ugali at mga prayoridad. Ito rin ang panawagan ng Kuwaresma: ang pagbabago ng puso at pagbabalik-loob sa Diyos. Nawa ang ating pagsunod kay Jesus, ang Salitang Nagkatawang-Tao (Word made Flesh), ang siyang magsilbing gabay at liwanag sa ating pagpapasya at pagkilos,” bahagi ng liham pastoral ni Bishop David.

Iginiit ng opisyal na matatamo ng Pilipinas ang maayos na pamahalaan sa pamamagitan ng pagmamalasakitan ng bawat Filipino lalo na sa mahigit 60-milyong botante na makilahok at magpahayag sa paraaang makatarungan at mapayapa sa darating na halalan.

Sinabi ng Oispo na kung manatiling mababa ang pagtingin at pagkilos sa pulitika ay hindi ito magbubunga ng pag-unlad sa uri ng pamamahala sa bansa dahil mananaig ang pansariling interes ng mga mamumuno sa bayan.

Ipinaalala ni Bishop David sa mamamayan na mahalaga ang halalan sapagkat ito ay pagpapasya ng bayan para sa mga mamumunong magsusulong sa pag-unlad ng lipunan na may paggalang sa karapatang ng bawat isa.

“Ang kapakanan ng bayan ay responsibilidad nating lahat. Lahat tayo, botante man o hindi, ay may mahalagang papel na gampanin. Lahat tayo ay may mai-aambag sa kapakanan ng bansa,” giit ni Bishop David.

Iminumungkahi ng C-B-C-P na ipagpatuloy ang circles of discernment at voter’s education upang mabigyang pagkakataon ang mga botante na kilatising mabuti ang mga kandidato at ang kanilang mga plataporma.

Apela naman ni Bishop David sa mga kandidato, botante, sa mga mangangasiwa ng halalan at sa iba’t ibang civic, religious at sectoral groups na magkaisang isulong ang matapat at malinis na halalan para sa kapakinabangan ng sambayanang Filipino.

“Muli kaming nanawagan sa mga kandidato, sa kanilang mga partido at tagasuporta; sa mga Civic clubs, sa iba’t ibang sektor ng lipunan – lalo na ang mga Kabataan, sa ating Pamahalaan, mga Ahensya at Sangay ng Gobyerno (pambansa at lokal), Non- Government Organizations, sa Military at Educational institutions, sa mga Parish at Barangay Pastoral Councils, BEC’s, Church Organizations at Associations, Religious Congregations at Movements, sa COMELEC, Board of Election Inspectors, SMARTMATIC, sa PPCRV, NAMFREL at sa ibang pang Election Watchdogs at volunteers, sa Media (local at international), Brothers and Sisters of other Faiths – magtulungan tayo sa pagmamatyag at pagsusumikap na tiyaking malinis, mapagkakatiwalaan, makatotohanan, makahulugan, mapayapa, ligtas at patas ang halalan (Clean, Honest, Accurate, Meaningful and Peaceful [CHAMP]; Safe, Accurate, Fair Elections [SAFE]),” ani Bishop David.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 46,775 total views

 46,775 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 76,998 total views

 76,998 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 103,649 total views

 103,649 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 198,622 total views

 198,622 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 216,663 total views

 216,663 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top