Simbahan sa mga kandidato, igalang ang mga lugar dalanginan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,478 total views

Bigyang paggalang ang mga lugar dalanginan.

Ito ang apela ng pamunuan ng Immaculate Conception Parish Cathedral & Minor Basilica o mas kilala bilang Malolos Cathedral sa Diyosesis ng Malolos sa mga kandidato sa lokal na posisyon sa pamahalaan.

Ayon sa pamunuan ng Katedral, nararapat igalang ng mga kandidatong nangangampanya at kanilang mga taga-suporta ang mga Sakramento at mga liturhiyang isinasagawa sa mga simbahan partikular na tuwing araw ng Linggo.

Bahagi ng apela ng Simbahan ay ang pagpapatay o paghihina ng mga campaign jingles ng mga kandidato sa tuwing nasa paligid ng mga lugar dalanginan upang hindi makagambala sa mga mananampalataya.

“AN OPEN REQUEST TO ALL POLITICAL CANDIDATES Please advised your supporters and campaign personnel to show respect in all places of worship. There are sacraments and prayers being held especially on Sundays. KINDLY TURN OFF OR LOWER THE VOLUME of your CAMPAIGN JINGLES so that the faithful will not be distracted in their prayers,” panawagan ng parokya sa mga kandidato.

Nasasaad sa pinakabagong liham pastoral ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) tungkol sa Halalan 2022 na ang kapakanan ng bayan ay responsibilidad ng lahat kung saan may mahalagang papel na ginagampanan ang bawat isa.

Batay sa tala ng Commission on Elections (COMELEC) aabot sa mahigit 18,000 ang mga posisyon sa lokal na pamahalaan na kinakailangan punan sa nakatakdang National and Local Elections sa May 9, 2022 na kinabibilangan ng mga legislative district representatives; governors at vice governors; provincial board members; mayors at vice mayors; councilors; gayundin ang Bangamoro Autonomous Region for Muslim Mindanao party representatives; BARMM parliamentary district representatives; at BARMM reserved seats and sectoral representatives.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 52,312 total views

 52,312 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 82,535 total views

 82,535 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 109,186 total views

 109,186 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 204,159 total views

 204,159 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 221,861 total views

 221,861 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top