Archbishop Palma, babasbasan ang kauna-unahang replica chapel ng Our Lady of Fatima

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 757 total reads

Pangungunahan ni Cebu Archbishop Jose Palma ang pagbabasbas at pagtatalaga sa kauna-unahang replica chapel ng Our Lady of Fatima sa Southeast Asia na itinayo sa San Remigio Cebu.

Puspusan na ang paghahanda ng Capelinha de Fatima Replica para sa blessing at consecration na gaganapin sa ikaapat ng Abril.

Ayon kay Digos Bishop Guillermo Afable, national spiritual director ng World Apostolate of Fatima, magandang pagkakataon ito at kapaki-pakinabang sa mga Filipino lalo na sa mga deboto ng Mahal na Birhen dahil mas madaling mapuntahan at mabisita ang pilgrim chapel.

Hinimok din ni Bishop Afable ang mananampalataya na patuloy hilingin sa Mahal na Birhen ang paggabay lalo na sa mga banta ng kaguluhang nangyayari sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

“In the midst of challenges and tribulations let us ask the guidance of our Blessed Mother it is a time for us to raise the banner of Our Lady; huwag tayong tatamaring gumawa ng mabuti in the midst of kasamaan at mga kaguluhan,” pahayag ni Bishop Afable sa Radio Veritas.

Itinaon ang pagbabasbas sa ikaapat na replica chapel sa buong mundo sa April 4 kasabay ng paggunita sa kamatayan ni San Francisco Marto, ang isa sa tatlong batang pinagpakitaan ng Mahal na Birhen sa Fatima Portugal noong 1917.

Kasabay ng pagbabasbas sa lugar iluluklok din ang replica image ng Our Lady of Fatima na mula sa Portugal na dadalhin ng mga kinatawan ng Sanctuario de Fatima.

Sa April 3 sa alas otso ng gabi ay magkakaroon ng film showing kaugnay sa buhay nina San Jacinta, San Francisco at Lucia nang magpakita at nagbigay ng mensahe ang Mahal na Ina.

Susundan ito ng overnight vigil kung saan dadasalin ang Santo Rosaryo, aawit ng mga Marian Songs, pagbabahagi ng mga karanasan sa Mahal na Birhen ng Fatima at magkakaroon ng sakramento ng pangungumpisal.

Hiling ng pamunuan ng Capelihna de Fatima Replica sa mga debotong dadalo ang ibayong pag-iingat at pagsunod sa safety protocol upang mapanatiling ligtas ang kalusugan ng bawat isa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 221,029 total reads

 221,029 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 252,760 total reads

 252,760 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 354,584 total reads

 354,584 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 395,145 total reads

 395,145 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 406,978 total reads

 406,978 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top