2.5-bilyong piso, naitulong ng Caritas Manila sa mga biktima ng COVID-19 at nasalanta ng bagyong Odette

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 419 total reads

Umaabot sa 2.14-bilyong piso ang nailaang pondo ng Caritas Manila bilang pagtugon sa pangangailangan ng mga pinakamahihirap na pamilya sa dalawang taong pag-iral ng pandemya sa Pilipinas.

Ayon sa social arm ng Archdiocese of Manila, naitala sa 1.7-bilyong piso noong 2020 at 418-milyong piso noong 2021 ang COVID-19 relief assistance o Food packs, sanitation kits, grocery at gift checks na naipamahagi maging sa mga mahihirap na pamilya sa pinakaliblib na lugar sa bansa.

Sa kanyang mensahe, inihayag ni Fr. Anton CT. Pascual, Executive Director ng Caritas, na mahalaga ang pagkakaisa at pakikibahagi ng mamamayan upang matulungan ang mga higit na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

“Addressing not only the health but also the economic effect of this pandemic can only be achieved if we work closely together and share our common goal of making a positive impact in the lives of those at the bottom of the pyramid,” pahayag ni Father Pascual.

Naitala rin ng social arm ng Archdiocese of Manila na umabot sa higit 200-libong mga pamilya ang napamahagian ng gift checks, habang sa tulong naman ng ‘Hapag-Asa Scientific Feeding Program’ ay mahigit 10-libong mga bata sa may 26-feeding sites sa Metro Manila at karatig lalawigan ang napakain at natulungang magkaroon ng sapat na nutrisyon noong 2021.

Umaabot naman sa 47-milyong piso ang naibigay ng Caritas Manila sa 11 diyosesis sa Visayas at Mindanao na lubhang sinalanta ng bagyong Odette noong 2021.

Ang unang 37-milyong piso ay inilaan bilang pondo sa mga agad na pangangailangan ng may 38-libong pamilya, habang ang 10-milyong piso naman ay inilaan sa rehabilitasyon ng pinakamahihirap na komunidad na nasalanta ng bagyo.

Sa pamamagitan naman Caritas Manila Damayan Program ay kinakalinga ang mahigit 37-libong pamilya sa Regions 11, 10, 8, 6, 5, MIMAROPA at CARAGA na walang matirahan at nananatili sa mga evacuation centers matapos sirain ng bagyo ang kanilang mga tahanan.

“Caritas Manila sent an initial ₱47 million to 11 dioceses affected by super typhoon Odette. The first ₱37 million was sent to provide for the basic and emergency needs of over 38,000 families, and another ₱10 million for rehabilitation efforts in poor communities in Visayas and Mindanao,” ayon sa pag-uulat ng Caritas Manila.

Sa tulong naman ng idinaos na PADAYON ONLINE CONCERT noong March 25 ay umaabot na sa higit 22-milyong piso ang nalilikom na donasyon na hiwalay pang ilalaan para naman sa rehabilitasyon ng mga sinirang simbahan at parokya ng bagyong Odette.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 8,538 total reads

 8,538 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 35,303 total reads

 35,303 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 75,862 total reads

 75,862 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 102,084 total reads

 102,084 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 150,351 total reads

 150,351 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 170,861 total reads

 170,861 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seafarers, kinilala ni Bishop Santos

 24,456 total reads

 24,456 total reads Kinilala ni Antipolo Bishop Ruperto Cruz Santos, CBCP Bishop Promoter of Stella Maris–Philippines, ang mga marinong Pilipino sa paggunita ng National Seafarers’ Sunday,

Read More »
Scroll to Top