Ibalik ang kultura ng pakikinig at dayalogo, panawagan ni Bishop Dael

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 858 total reads

Tiniyak ng Diocese of Tandag ang pakikibahagi sa magkatuwang na isinasagawang “Duyog Panaw sa Kalambuan: A Provincial and Congressional Candidates’ Forum” ng Surigao del Sur’s Commission on Election (COMELEC) at Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV).

Ayon kay Rev. Fr. Juanito Rosales, Jr., Chairman ng Diocesan Apostolate on Politics and Good Governance ng Tandag, mahalaga ang pagiging aktibo at pakikisangkot ng bawat mamamayan sa kabuuang proseso ng halalan tulad ng pagsubaybay at pakikipagtalakayan sa mga kandidato.

Ipinaliwanag ng pari na mahalaga ang talakayan upang mapagnilayan ng mga botante kung sino sa mga kandidato ang responsable, may paninindigan at tunay na pagsilbihan ang taumbayan.

“Election process is very important when it comes to the exercise of every Filipinos right to vote and hopefully to elect responsible, committed, and God-fearing leaders that will govern our country, our provinces and municipalities in the next term of governance,” pahayag ni Fr.Rosales.

Sinabi ng Pari na handa ang Diyosesis ng Tandag sa pangunguna ni Bishop Raul Dael na makipagtulungan sa mga kinatawan ng COMELEC at PPCRV sa probinsya ng Surigao del Sur para sa malinis, matapat, makabuluhan at mapayapang halalan sa bansa sa ika-9 ng Mayo.

Ayon kay Fr. Rosales, bukod sa pagsusulong ng matalinong pakikisangkot ng mga botante layunin din ng Provincial and Congressional Candidates’ Forum na mabigyan ng patas na pagkakataon ang lahat ng mga kandidato na maibahagi ang kanilang mga plano at plataporma.

Naganap ang unang serye ng Provincial and Congressional Candidates’ Forum sa North Eastern Mindanao State University (NEMSU) sa Tandag City noong ika-29 ng Marso na dinaluhan ng mga kandidato mula sa unang distrito para sa Congressional, Provincial at Mayoral positions sa probinsya ng Surigao del Sur.

Kabilang sa nakibahagi sa talakayan si Tandag Bishop Raul Dael at tig-sampung mga kinatawan mula sa may 15 iba’t ibang sektor sa probinsya.

Sa mensahe ni Bishop Dael ay inihayag ng Obispo na mahalagang maibalik sa lipunan ang kultura ng pakikinig at pakikipagdayalogo.

“Gigastuhan nato kini ug panahon, ug budget sa pagkaun because we feel that this is a very important engagement between our politicians and our constituents. This is the kind of culture that we want to be, culture of listening, a culture of dialogue,” mensahe ni Bishop

Umaasa naman ang Obispo na magpatuloy ang pagsusulong ng common good ng bawat mamamayan sa lipunan at hindi magtapos sa halalan ang pakikisangkot ng bawat mamamayan sa usaping panlipunan at pampulitika sa bansa.

“Inaot na magpadayon ang ating political engagement in searching for the common good not just before and during elections but even after the elections,” dagdag pa ni Fr. Dael.

Paalala ng Obispo na ang pulitika ay hindi lamang isang posisyon o tungkulin sa bayan kundi isang bokasyon na kinakailangan ang ganap na pag-aalay ng sarili upang magampanan ang responsibilidad.

Una ng nagsagawa ng Political Candidates’ Recollection ng Diyosesis ng Tandag noong ika-15 ng Marso, 2022 na mayroong temang “Politics is a Vocation” na naglalayong imulat ang kamalayan ng mga kandidato kaugnay sa tungkuling maglingkod sa mamamayan.

Samantala, inaasahan naman ang pagpapatuloy ng “Duyog Panaw sa Kalambuan: A Provincial and Congressional Candidates’ Forum” sa iba pang distrito ng Surigao del Sur.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 68,415 total reads

 68,415 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 116,674 total reads

 116,674 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 164,545 total reads

 164,545 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 268,490 total reads

 268,490 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 351,369 total reads

 351,369 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top