Cavite PNP, blangko pa rin sa kidnapping case ni Father Phem

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 803 total views

Hindi pa rin nabibigyang-linaw ang motibo sa pagkawala ni Father Leoben Peregrino na natagpuang buhay matapos ang dalawang araw sa Silang, Cavite.

Ayon kay Rosario, Cavite Police acting chief Police Lieutenant Colonel Ruther Saquilayan, kanilang tinitingnan ang motibo sa pagdukot kay Fr. Peregrino.

Iginiit naman ni Saquilayan na tanging ang pari lamang ang makakapaglahad ng mga tunay na nangyari ngunit hindi pa rin ito makausap dahil sa tinamong trauma.

“‘Yun po ang initial [investigation] namin na ginagawa kung meron man na abduction na nangyari kay Father [Peregrino]. Bale sa ngayon po talaga ay wala pong makakapagbigay ng tunay na pangyayari kundi po si Fr. Leoben lang po,” ayon kay Saquilayan sa panayam sa Veritas Pilipinas.

Sa kasalukuyan ay hinihintay pa rin ng pulis ang rekomendasyon ng doktor ni Fr. Peregrino upang ito ay makausap at mahingan ng impormasyon hinggil sa pangyayari.

Si Fr. Peregrino o mas kilala bilang Fr. Phem, ang kasalukuyang rektor at kura paroko ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of The Most Holy Rosary – Reina de Caracol sa Rosario, Cavite na saklaw ng Diocese of Imus.

Patuloy rin ang pakikipag-ugnayan ng mga pulis sa mga lugar na dinaanan ng pari upang makapangalap ng mga ebidensiyang susuporta sa imbestigasyon.

“May mga kinakalap po kaming mga witness sa lugar ng pinangyarihan at patuloy po naming bina-backtrack po ‘yung mga CCTV cameras simula po dito sa Rosario Parish papunta po doon sa pinangyarihan kung saan po siya natagpuan,” pahayag ni Saguilayan.

Nawawala si Fr. Peregrino noong April 1 at natagpuan makalipas ang dalawang araw sa loob ng sasakyan na walang malay at nakagapos ang mga kamay at leeg sa Barangay Lumil, Silang, Cavite.

Kasalukuyan nang ligtas at nagpapahinga si Fr. Peregrino sa isang ospital sa Dasmariñas, Cavite.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 53,307 total views

 53,307 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 75,312 total views

 75,312 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 99,654 total views

 99,654 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 122,732 total views

 122,732 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 154,406 total views

 154,406 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top