CBCP, nagpahayag ng pagbati sa mga Muslim

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 887 total reads

Nagpahayag ng pakikiisa ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa paggunita ng mga Muslim sa Banal na Buwan ng Ramadan.

Ayon kay Diocese of Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, Chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace, kaisa maging ang mga Kristiyano’t Katoliko sa pagbibigay halaga sa layunin ng Banal na Buwan ng Ramadan na panahon ng pagsisisi, pagninilay at panahon ng pananalangin ng mga Muslim.

Ipinagdarasal ni Bishop Bagaforo na siya ring National Director ng Caritas Philippines na gabayan ang bawat isa sa kanilang pananalangin para sa pagbabalik loob at pagbabago ng puso na nakabatay sa mga turo at aral ni Prophet Muhammad.

“Ang pagbati ay ipinapaabot natin sa ating mga kapatid na Islam sa kanilang selebrasyon ng Buwan ng Ramadan, Assalamualaikum sa lahat nating mga kapatid na Islam at nawa ay ang selebrasyon ng kanilang Ramadan ay magbigay ng paalaala sa kanilang lahat tungkol sa magagandang aral at turo ni Prophet Muhammad – peace be to his name at sila ay makapagbalik loob sa Diyos at sa ating kapwa,” pahayag ni Bishop Bagaforo sa panayam sa Radyo Veritas.

Umaasa rin ang Obispo na kasabay ng pagsisisi ng bawat isa sa kanilang mga nagawang kasalanan ay magkaroon din ng ganap na pagpapatawad ang bawat isa sa mga maling nagawa ng kanilang kapwa.

“Sana magkaroon ng forgiveness ang kanilang mga kasalanan at pagpapatawad sa lahat ng ating mga kapatid na nagkamali sa ating buhay, nawa’y ang kanilang selebrasyon ng Buwan ng Ramadan ay muling maging maka-Diyos ang kanilang buhay, sa kanilang lahat maligayang pagbati at Alhamdulillah,” dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Nagsimula ang Banal na Buwan ng Ramadan o ang isang buwang pag-aayuno ng mga Muslim noong ika-2 ng Abril, 2022 na magtatapos sa ika-3 ng Mayo, 2022.

Batay sa tala, umaabot sa 10-milyon ang bilang ng mga Muslim sa Pilipinas kung saan mayorya ay mga Katoliko.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 7,808 total reads

 7,808 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

Hesukristo, hari ng pagmamahal at pagtanggap

 8,016 total reads

 8,016 total reads Binigyang-diin nina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas at Novaliches Bishop Roberto Gaa ang natatanging paghahari ni Hesukristo na nakaugat sa pagmamahal, malasakit at paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 23,402 total reads

 23,402 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 145,767 total reads

 145,767 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 196,130 total reads

 196,130 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 323,188 total reads

 323,188 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 407,572 total reads

 407,572 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top