Overseas Filipino Workers, pinayuhang huwag maging ubos biyaya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 430 total views

Pinaalalahanan ng CBCP – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ang Overseas Filipino Workers na maging kampante sa patuloy na pagtaas ng halaga ng dolyar kontra piso.

Ayon kay Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, chairman ng komisyon, kinakailangang tandaan ng mga OFWs na ang palitan ng piso at dolyar ay pabago – bago ngunit mahalagang sila ay maging masinop at hindi ubos biyaya.

“Tumaas ang palitan. Maganda ito para sa ating mga OFW dahil maraming piso ang maipapalit nila. Subalit ito rin ay may kakambal na hindi maganda, hindi mabuti. Dapat nating paalalahanan ang ating mga OFWs na ito ay hindi pangmatagalan na kung saan darating, mawawala, tataas, bababa kaya dapat rin silang maging ma – ingat at dapat silang magtipid,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Veritas Patrol.

Pinayuhan rin nito ang nasa 15 milyong OFWs na huwag matutukso sa pagbili ng mga bagay – bagay na hindi naman mahalaga bagkus ay gugulin at samantalahin ang malaking halaga ng dolyar upang makapag – ipon at makapagpadala sa kanilang pamilya.

Samantala, nanatili naman sa halagang P48 ang halaga ng dolyar at inaasahan pang tataas ang halaga nito hanggang P50 piso.
Ito na rin ang naitalang pinaka – mababang antas ng palitan ng piso kontra dolyar sa loob ng 7 taon.

Sinabi ng ilang ekonomista na kung magpapatuloy ang paghina ng halaga ng piso kontra dolyar ay magdudulot ito ng pagtaas ng halaga ng presyo sa merkado lalo na ng mga produkto na inaangkat natin sa ibang bansa tulad ng petrolyo at ang pagbigat ng pagbabayad ng utang na dollar denominated.

Nauna na ring binaggit ng Kanyang Kabanalan Francisco na anumang paggalaw ng halaga ng mga bilihin ay dapat laging alalahanin ang epekto nito sa mga mahihirap.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 11,179 total views

 11,179 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 185,113 total views

 185,113 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 162,746 total views

 162,746 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 226,514 total views

 226,514 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 245,495 total views

 245,495 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 60,519 total views

 60,519 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 260,167 total views

 260,167 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top