Gawing marangal ang halalan, hamon ng Pari sa mga botante

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 733 total views

Ito ang panawagan ni Rev. Fr. Victorino Cueto, C. Ss. R. – Rector ng National Shrine of Our Mother of Perpetual Help o mas kilala bilang Baclaran Church kaugnay sa National and Local Elections sa ika-9 ng Mayo, 2022.

Ayon sa Pari, dapat na maging bukas ang bawat isa sa paggabay ng Banal na Espiritu upang maisulong at manindigan ang lahat sa katotohanan at mangibabaw ang pagmamalasakit, pagmamahal sa kapwa at bayan.
Nanindigan si Fr. Cueto na hindi dapat na manaig ang dahas, salapi at kasinungalian sa halalan kaya’t kinakailangang ang sama-samang paninindigan ng bawat isa laban sa karahasan, talamak na vote buying at pagkalat ng fake news.

“Gawin nating marangal ang halalan na ito, ibig sabihin ay ang katotohanan, ang pagmamalasakit at pagmamahal, ang pagbibigay ng puwang sa Espiritu upang ang gamitin natin ay ang konsensya. Sa halalang ito hindi dapat mananaig ang power, ang dahas, hindi dapat mananaig ang pera, ang bilihan ng boto, hindi dapat mananaig ang kasinungalingan, fake news sa halip nga ito ay isang moral na pagtataguyod ng ating bayan bilang Filipino,” pahayag ni Fr. Cueto sa panayam sa Radio Veritas.

Umaasa naman ang Pari na maging makabuluhan para sa bawat botante ang nakatakdang paggunita ng Mahal na Araw upang pamarisan ang diwa ng pagmamahal ng Panginoon para sa kanyang bayan sa pakikilahok at pagdidesisyon sa nakatakdang halalan.

Giit ni Fr. Cueto, dapat na isaalang-alang at maging batayan ng bawat botante sa pagpili ng mga karapatdapat na ihalal sa iba’t ibang posisyon sa pamahalaan ang kapakan ng mas nakararami o ang common good lalo na ang mga kabilang sa maliliit at mahihinang sector ng lipunan sa pagboto sa nakatakdang halalan.

Ipinaalala ng Pari na gawing huwaran ng bawat isa ang Panginoon na hindi pansariling interes lamang ang pinahahalagahan sa halip ay handang i-alay ang kanyang bugtong na anak para sa kapakanan at kaligtasan ng sangkatauhan.

“Nawa ang diwa na ito [ng Semana Santa] na hindi makasarili ng ating Panginoon ang siyang maging diwa din natin lalong lalo na sa darating na halalan. Ang iisipin natin ay hindi lamang ang ating personal, pampamilya lang na kapakanan kundi higit sa lahat ay ang kapakanan ng nakararami sa ating mga kapatid na Filipino. Tulad ng Panginoon inialay niya ang kanyang sarili para sa lahat, ganun din tayo ay lalabas sa ating personal na interes lamang at sa halip ay ang ating isasaalang alang ay ang kapakanan ng mas nakararami lalong lalo na ng mga maliliit nating mga kapatid,” dagdag pa ni Fr. Cueto.

Magugunitang nasasaad sa pinakabagong liham pastoral ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) tungkol sa Halalan 2022 na may titulong “Be Concerned about the Welfare of Others” ang hamon na pagmalasakitan ang kapakanan ng kapwa sa pamamagitan ng matalino at mapanuring pagboto sa nakatakdang halalan sa darating na Mayo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 48,771 total views

 48,771 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 78,994 total views

 78,994 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 105,645 total views

 105,645 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 200,618 total views

 200,618 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 218,541 total views

 218,541 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top