Tax exemption sa 13-month pay, panatilihin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 597 total reads

Mariing tinutulan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Permanent Committee on Public Affairs ang planong pagbubuwis sa 13th month pay ng mga manggagawa.

Ayon kay Lipa, Batangas Archbishop Ramon Arguelles, chairman ng komisyon,isang paglapastangan ang hakbang ng pamahalaan na patawan ng buwis ang pa-bonus ng mga employer sa kanilang mga manggagawa.

Iginiit pa ni Archbishop Arguelles na dapat buwisan ng Bureau of Internal Revenue ang mga mayayamang kumpanya na patagong hindi nakapagbabayad ng buwis at huwag ang mga manggagawang kakarampot ang sinasahod.

“Dapat i – tax nila yung mga mayayaman. Bakit nakakalusot yung mga mayayaman sa pagbabayad ng buwis? Huwag naman sanang tapakan yung mga karaniwang tao. Yung atin ngang panawagan na sana i – tax nila yung mga mayayaman, yung mga tinatawag nilang progreso huwag naman sanang bawasan yung suweldo nung talagang hirap na,”pahayag ni Archbishop Arguelles sa panayam ng Veritas Patrol.

Samantala, gusto ring i-repeal ng Department of Finance ang Tax Code na nagbibigay ng tax exemption sa 13th-month pay, Christmas bonus, productivity incentives at iba pang benepisyo na aabot sa P82,000 kada taon.

Nabatid batay sa inilabas na pag – aaral ng ASEAN o Association of Southeast Asian Nation na ikalawa ang Pilipinas sa pinakamalaki ang sinisingil na personal at corporate income tax sa buong bansa sa Asya dahil sa out – dated o halos 19 na taon na nitong lumang sistema ng pagbubuwis.

Nauna na ring sinabi ni Pope Francis na mas mainam na patungan ng buwis ang mga Simbahan o mga religious order na hindi tumutulong o walang programa para sa mga mahihirap.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 76,508 total reads

 76,508 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 124,210 total reads

 124,210 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 172,081 total reads

 172,081 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 276,028 total reads

 276,028 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 358,556 total reads

 358,556 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 310,443 total reads

 310,443 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 417,342 total reads

 417,342 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top