Malacañang, umalma sa bansag ng French newspaper kay PDU30 na serial killer

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 503 total reads

Dismayado ang Malacanang sa bansag ng isang French Newspaper kay Pangulong Duterte na serial killer dahil sa war on drugs ng pamahalaan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, ang pahayag ng pahayagan ay nagpapakita lamang ng kawalan ng mas malawak na kaalaman ng mga banyaga sa sitwasyon ng Pilipinas.

Ayon kay Abella, bukod sa kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga ay dapat ring bigyang pansin at pagkilala ang lahat ng mga nagawa at kasalukuyang programa ng administrasyon.

“I think that’s rather unfortunate. And for me, it demonstrates a profound lack of understanding of the Philippines situation. Considering the fact that it is a left-leaning paper, I believe they should have been more appreciative of other things that are happening in the Philippines…”pahayag ni Abella.

Inihalimbawa ni Abella ang kasalukuyang inisyatibo ng pamahalaan sa usapang pangkapayapaan o peace process na isinasagawa sa Oslo, Norway na malaki na ang naging development kumpara sa mga ginawa ng mga nakalipas na adminstrasyon.
“For example, the peace process in Oslo. They should have been more, they should have been more aware of that and more appreciative, rather than focus on these things which I think is really unfounded. Again and again, we have emphasized the fact that police actions and their campaign against illegal drugs really assumes that certain amount of regularity, na we stay within bounds”,dagdag pa ni Abella.

Samantala, magugunitang nauna ng inimbita ni Pangulong Duterte ang mga special rapporteurs ng iba’t ibang international organizations upang personal na makapagsagawa ng imbestigasyon sa sinasabing Extra-judicial killings at human rights violation ng mga otoridad sa gitna ng War on Drugs sa bansa.

Sa kasalukuyan base sa records ng PNP, mahigit na 3,500-indibwal ang namatay sa mas pinag-iting na kampanya ng pamahalaan laban sa illegal na droga.

Ganun pa man, naninindigan ang Simbahang Katolika na nararapat pa ring pairalin ang proseso ng batas at bigyang paggalang ang karapatang pantao maging ng mga hinihinalang sangkot sa kalakalan ng ipinagbabawal na gamot.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 76,587 total reads

 76,587 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 124,289 total reads

 124,289 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 172,160 total reads

 172,160 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 276,107 total reads

 276,107 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 358,629 total reads

 358,629 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top