Quality Control Checklist ng DepEd, kinilala ng TDC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 524 total views

Kinilala at pinasalamatan ng Teacher’s Dignity Coalition (TDC) ang hakbang ng Department of Education (DepEd) na patibayin ang isinasagawang pag-aaral at pagsasaliksik ng mga estudyante.

Ito ay sa pamamagitan ng pagtatatag ng Quality Control Checklist (QCC) sa mga ‘Completed Basic and Action Research’ na magtatakda at aayos sa mga isinagawang pagsasaliksik base sa kanilang kategorya upang mapadali naman ang paghahanap ng mga susunod na mag-aaral ng kanilang mga kakailanganing research studies.

Ayon kay Benjo Basas – TDC National Chairperson, itataguyod ng hakbang ang Research Culture sa Pilipinas na patatagin ang kaalaman at kasanayan ng mga mag-aaral sa pag-alam ng mga wasto at tamang impormasyon.

“We welcome this development as it promotes the culture of research among our teachers and even learners. Mahalaga ito kasi thrill research made-develop rin ang reading culture and yung fact-checking and the desire to find the truth in scientific way will eliminate the proliferation of disinformation, fake news and historical revisionism,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Basas sa Radio Veritas.

Pagbabahagi pa ni Basas, mahalaga ang inisyatibo ng kagawaran dahil ang halos lahat ng mga ginagamit ng sangkatauhan sa pang araw-araw na pamumuhay ay nalikha sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga masusing pag-aaral.

“Almost everything we use today- from academics, arts, sciences, theories and principles, even the most important inventions that aid the humanity are products of research. Proven na yung kahalagahan nito in the past and of course, crucial din ito for the future,” pagbabahagi pa ni Basas.

Una ng hinikayat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mamamayan na tiyakin muna ang katotohanan ng mga impormasyon bago ito ibahagi sa publiko.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 46,118 total views

 46,118 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 89,726 total views

 89,726 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 173,295 total views

 173,295 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 187,018 total views

 187,018 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top