Cardinal Advincula, itatalagang Cardinal Priest ng Parrocchia San Vigilio

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,041 total reads

Pormal nang itatalaga ang Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula bilang Cardinal-Priest ng Parrocchia San Vigilio sa Roma.

Sa pabatid ng parokya, gaganapin ang canonical possession ni Cardinal Advincula sa April 30, 2022 sa alas siyete ng gabi oras sa Roma.

Inaanyayahan ang bawat isa na makibahagi sa makasaysayang pagdiriwang sa pamamagitan ng mga panalangin sa ikatatagumpay ng gawain.

“We will receive with joy His Eminence Jose Fuerte Cardinal Advincula for the solemn canonical possession of the TITLE OF SAN VIGILIO. We are all invited to participate in the Eucharistic Celebration for this very important moment in the history of the parish and our community,” ayon sa pabatid ng parokya.

Matatandaang November 28, 2020 nang mapabilang si Cardinal Advincula sa Consistory kasama ang 12 iba pang obispo ng simbahang katolika.

Kasabay nito ang pagkatatag ng San Vigilio bilang Cardinal Titular Church na itinalaga kay Cardinal Advincula.

Bilang Cardinal-priest ipinagkatiwala ng Santo Papa sa kanilang pangangalaga ang mga simbahan sa Roma na tinatawag na ‘titles’ na ayon sa tradisyon ay nakalakip sa isang parokya.

Nauna nang nakipagpulong si Cardinal Advincula kay Pope Francis noong April 21 at kay Cardinal Giovanni Battista Re ang kasalukuyang Dean ng College of Cardinals.

Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na bumisita ang arsobispo ng Maynila sa Vatican bilang Cardinal makaraang maantala dahil sa pag-iral ng mahigpit na panuntunan bunsod ng pandemya.

Read: https://www.veritasph.net/cardinal-advincula-nakipagpulong-kay-pope-francis/

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 3,463 total reads

 3,463 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 127,012 total reads

 127,012 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 177,376 total reads

 177,376 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 304,444 total reads

 304,444 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 389,820 total reads

 389,820 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top