Huwag ihalal ang mga tiwaling kandidato

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 671 total reads

Nagkakaisang nanindigan ang mga Obispo, Pari, Laiko at kristiyanong grupo ng mga kabataan laban sa korapsyon at katiwalian na nananatiling suliranin sa bansa.

Iginiit ng Catholic Bishops’ Conference of The Philippines (CBCP) at Student Christian Movement of The Philippines (SCMP), sa pagwawaksi at paglaban sa korapsyon o pagkakamkam sa kaban ng bayan ay higit nitong pagyayabungin ang health care system ng Pilipinas.

“Marami po ang magandang magyayari kong tayo ay walang corruption, maganda rin ang kadadatnan ng buhay natin lalong na health care system, mga infra natin at iba pa,” ayon sa mensaheng ipinadala sa Radio Veritas ni Military Ordinariate of the Philipppines Bishop Oscar Jaime Florencio – CBCP Episcopal Commission on Health Care Vice-chairman.

Binigyan diin naman ni Kej Andres, pangulo ng SCMP na mahalagang mapigilan ang korupsiyon upang lalong maging mabisa ang sistemang pangkalusugan sa Pilipinas.

Ngunit mabigat na salik din ang pribatisadong katangian nito na bumababa ang paglalaan ng pondo ng mamamayan sa mga pampublikong ospital at sa halip ay mas nangingibabaw ang mga pribadong ospital,” pahayag ni Andres sa Radio Veritas.

Umaasa naman si Father Jerome Secillano – CBCP Permanent Committee on Public Affairs Executive Secretary at Jun Cruz – Pangulo ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas na gamitin ng mga botante ang halalan upang magkaisa at ihalal ang mga kandidatong may malinis at mabuting hangarin para sa mamamayan.

“Suriin natin at araling mabuti ang kwalipikasyon ng mga kandidato. At pagkatapos ng halalan, dapat ding maging mapag-matyag ang taong-bayan upang mapigilan ang anumang pagtatangka na muli na namang nakawin ang pondo para sa bayan,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Father Secillano.

“Kailangan natin sa eleksyon ito na makapag paupo ng mga lider na handang lumapit at tumulong ng hindi magsasamantala pagkatapos, mga tunay na lingkod bayan na tapat sa tawag ng serbisyo,” ayon naman sa mensaheng ipinadala ni Cruz sa Radio Veritas.

Sa 2021 Corruption Perception Index (CPI) ng Transparency International, nakamit ng Pilipinas ang mababang 33-puntos at ika 117-pwesto mula sa bilang ng 180-bansa.

Ang CPI ay ang talaan ng Transparency International base sa kung gaano kalaganap ang katiwalian sa mga bansa, 100-puntos ang pinakamataas na gradong maaring igawad sa mga bansang may malilinis at hindi tiwaling pamahalaan.

Habang sa Papal Visit ng Kaniyang Kabanalang Francisco sa Pilipinas noong 2015 ay naging panawagan ng Santo Papa sa mga lider ng bansa na tuluyan ng iwaksi ang korapsyon dahil nagpapahirap ito sa mamamayan.

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 13,348 total reads

 13,348 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »

Sacred music, mahalaga sa liturgy

 15,676 total reads

 15,676 total reads Binigyang-diin ni Pope Leo XIV ang mahalagang papel ng sacred music sa liturhiya, partikular sa Banal na Misa, bilang tulong upang higit na

Read More »

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 33,114 total reads

 33,114 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 1,664 total reads

 1,664 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 83,597 total reads

 83,597 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 177,822 total reads

 177,822 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 238,311 total reads

 238,311 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 252,144 total reads

 252,144 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top