Dating Justice secretary Aguirre, pinaimbestigahan ng isang Pari

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 917 total reads

Umaapela si Jesuit priest Father Albert Alejo sa Department of Justice na paigtingin ang imbestigasyon sa kaso ni Senator Leila de Lima kasunod ng pagbawi ng dalawang testigo.

Ikinalungkot ng pari na sangkot si dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa paggawa ng kaso laban sa mambabatas kung saan nasira ang paglilingkod nito sa bayan bilang senador.

Hamon ni Fr. Alejo kay DOJ Secretary Menardo Guevarra na pairalin ang katarungan at panagutin ang sinumang sangkot sa kawalang katarungan sa lipunan.

“Nanawagan ako kay Secretary [Menardo] Guevarra alam mong tinuturong namuwersa kay [Kerwin] Espinosa at [Rafael] Ragos ay Secretary of Justice noon, patunayan mong iba ka sa pinalitan mong kalihim; wakasan na sana ang kawalang katarungan sa bansa,” pahayag ni Fr. Alejo sa panayam ng Radio Veritas.

Kamakailan ay magkasunod na binawi nina Kerwin Espinosa at dating Bureau of Corrections officer in charge Rafael Ragos ang naunang testigo na nagdidiin kay de Lima na sangkot sa kalakalan ng droga sa New Bilibid Prison.

Sa salaysay ni Espinosa ibinahagi nitong napilitan itong isangkot ang mambabatas dahil sa pamimilit, pananakot at pambabanta mula sa mga otoridad habang ayon naman kay Ragos pinilit ito ni dating Justice Secretary Aguirre.

Sa hiwalay na pahayag ni Aguirre pinabulaanan nito ang pahayag ni Ragos at iginiit na kusang loob itong lumapit sa DOJ para isumite ang reklamo laban kay de Lima.

Sinabi ni Fr. Alejo na ang pagbawi ng dalawang testigo laban kay de Lima ay isang hakbang upang mabigyang linaw at umiral ang katotohanan at katarungan.

“Ang pahayag nina Espinosa at Ragos ay hindi pagbaligtad kundi pagbabagong loob; masaya ako atleast dalawa ang umaamin na naging kasangkapan sila sa panililinlang at kawalang katarungan,” ani Fr. Alejo.

2017 nang makulong ang mambabatas dahil sa mga kasong isinampa na may kaugnayan sa iligal na droga.

Una nang nanawagan si Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo na imbestigahan ang mga nasa likod ng kawalang katarungan at panagutin ayon sa isinasaad ng batas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 79,665 total reads

 79,665 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 120,225 total reads

 120,225 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 143,269 total reads

 143,269 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 191,537 total reads

 191,537 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 210,525 total reads

 210,525 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top